Bar sinalakay: 2 Kano, 20 waitresses arestado

    456
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Dalawang American national at 20 mga waitreses ang dinakip ng mga tauahan ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 3 nang kanilang salakayin ang isang bar sa Barangay Barretto sa lungsod na ito.

    Ang pagsalakay ay isinagawa sa Rum Jungle Bar kung saan dinakip sina David Fisher, may-ari ng Dry Den Group of Companies, at Don Byrket, manager ng Rum Jungle Bar na kapwa mga Amerikano.

    Kabilang din sa mga dinakip ang 20 mga kababaihan na nagtatrabaho bilang mga waitresses at dancers. Ayon sa ulat nagsasagawa ng police operation laban sa criminality at illegal activities ang team na pinamunuan ni Chief Inspector Melvin Montante ng RID, PRO3 nang makatanggap ng tawag ang Police Station 6 ng Olongapo City PNP na may nagaganap na kaguluhan sa nasabing Bar.

    Laking gulat ng mga tauhan ng Police Station 6 sa naging operasyon ng RID PRO3 dahil wala man lamang silang ginawang koordinasyon bago nagsagawa ng Police Operation. Ang mga dinakip na suspek ay dinala sa Camp Olivas sa City of San Fernando, Pampanga para sa kaukulang imbestigasyon.

    Wala namang malinaw na kaso ang isinamapa ng RID sa mga nahuling dayuhan at ang 20 mga trabahador ng bar.

    Ito na ang pangalawang insidente ng pagsalakay ng RID, nauna na dito ang Arizona Bar dahil sa umano’y illegal na activities nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here