Home Headlines Bangkay ng babae may bakas na pinahirapan

Bangkay ng babae may bakas na pinahirapan

759
0
SHARE
Ang labi ng babaeng foreigner na inabanduna sa madamong lugar na may palatandaan na pinahirapan bago pinatay. (Photo courtesy: Mexico PNP)

MEXICO, Pampanga — Isang bangkay ng hindi pa nakilalang babaeng foreigner ang natagpuan sa damuhang bahagi ng Quezon Road, Barangay Laug sa bayang ito.

Walang ID o anumang gamit na pagkakakilanlan ang biktima na natagpuan na nakasubsob sa madamo at madilim na bahagi ng naturang kalsada nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Pol. Lt. Col Eliseo Tait, hepe ng Mexico police, hinala nila na ang biktima ay Chinese o Korean national na posibleng nagtatrabaho sa POGO.

Tinataya itong may taas na 5’3″, maputi ang balat, at may suot na white jacket, maong na pantalon, at white rubber shoes.

Ayon kay Tait, may sugat sa ulo at mga kamay ang babae na palatandaan na pinahirapan ito.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Mexico PNP sa Mabalacat City police upang imbestigahan kung kabilang ba ang natagpuang babae sa mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO bilang foreign worker at kung may naiulat na missing person doon.

Isinalang na sa otopsiya ang labi ng biktima upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito.

Inaaral na rin ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang sasakyan na ginamit sa pagtapon sa biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here