SAN ANTONIO, Zambales –Patay na nang matagpuan ang isang balyena na may 10 feet ang haba sa Barangay Pundakit sa bayang ito.
Ito ay isang pygmy sperm whale na tumitimbang ng 300 hanggang 400 kilos.
Sa isinagawang necropsy ng mga tauhan ng Stranding Network Team ng Ocean Adventure, nakita sa loob ng tiyan ng balyena ang pira-pirasong plastic na nakain nito na siyang sinasabing dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ang balyena ay pinagtulung-tulungan buhatin ng mga residente para ibaon sa Barangay Pundakit.