Balyena na-rescue, namatay

    346
    0
    SHARE

    SAN NARCISO, Zambales  – Isang balyena na uring pygmy sperm whale (Kogia breviceps) na may habang tatlong metro at tumitimbang ng 700 hanggang 800 kilos na na-stranded sa karagatan ng Barangay San Miguel na sakop ng bayang ito ang namatay matapos itong ma-rescue ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

    Nauna nang inilipat ang balyena sa lagoon ng Naval Education Training Center (NETC) para alagaan, subalit namatay ito dahil sa mahina na, may sugat sa katawan at sumuka na ng dugo.

    Ayon kay Dr. Lim Aragones ng Philippine Marine Mammal Stranding Network, ito ang kauna-unahang lalaking balyena na natagpuan sa Pilipinas. Dalawang balyenang babae ang natagpuaan sa Bulacan at Ilocos kamakailan.

    Sinikap naman na maisalba ang buhay ng balyena ng mga tauahan ng Ocean Adventure Mammal Stranding Rescue Team, subalit hindi na ito nakayanan pa.

    Ang balyena ay ililibing sa NETC Compound.

    SHARE
    Previous articleAnino ning napun
    Next articleDrug pusher huli

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here