Home Headlines Balik-mayor nanindigan na TRO ang hiningi sa CA

Balik-mayor nanindigan na TRO ang hiningi sa CA

884
0
SHARE

STO. DOMINGO, Nueva Ecija — Nanindigan si Mayor Imee de Guzman na tanging petition for temporary restraining order (TRO) lamang na naglalayong hadlangan ang implementasyon ng pagtanggal sa kanya sa puwesto noong 2018 ang kanyang inihain sa Court of Appeals (CA).

Ang pahayag ay ginawa ni De Guzman sa gitna ng mga ulat na ibinasura na ng CA, batay sa desisyon na naging final and executory noong Sept. 4, 2018, ang kanyang apela.

Batay kasi sa naunang desisyon ng Ombudsman joint resolution na may petsang June 19, 2018, si De Guzman ay napatunayang guilty ng grave misconduct kaugnay ng OMB-L-C-17-0278 at OMBL- A-17-0293 o grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service at siya ay pinatawan ng dismissal from service at mga kaugnay na parusa na cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, pagbabawal na kumuha ng civil service examinations, at perpetual disqualifi cation from holding public office.

Ang desisyong ito ay binaligtad ng Ombudsman sa inilabas na Reversal Order na may petsang January 21, 2019 at nilagdaan ni Asst. Ombudsman Jose Balmeo, Jr., OMB Proper.

Ipinaliwanag ni De Guzman na hindi niya talaga gagawin na iapela ang kaso sa CA dahil may nakasampa siyang Motion for Reconsideration (MR) sa Ombudsman sa layuning mabago ang naunang desisyon.

Si De Guzman ay ibinalik sa puwesto ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kamakailan.

Gayunman ay nanindigan si Vice Mayor Greg Andres, na itinalagang pumalit kay De Guzman na walang bisa ang reversal order ng Ombudsman dahil sa naunang desisyon ng CA.

Naninindigan rin si Andres na hanggang sa ngayon ay siya ang punong bayan dito dahil higit aniyang mataas and CA at ang desisyon nito ang dapat na masunod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here