Home Headlines Balanga Rural Bank hindi tumangging ibalik ang P9.7-M ‘erroneous deposit’

Balanga Rural Bank hindi tumangging ibalik ang P9.7-M ‘erroneous deposit’

2518
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Mariing pinabulaanan ngayong Miyerkules ng Balanga Rural Bank (BRBI) na tumanggi silang ibalik ang P9,704,630 na nagkamaling ilagay sa kanilang account sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng Land Bank of the Philippines (LBP).

Ayon kay Maria Rosario R. Banzon, pangulo ng BRBI, ang hiniling lamang nila ay bayaran ang kanilang banko ng P49,123. Ito, aniya, ay P600 para sa BSP’s manual transaction charge at BRBI’s service charge na P48,523.

“Ang service charge ay siningil ng BRBI dahil sa mga abalang dinanas ng banko dulot ng maling transfer,” paliwanag nito.

Sinabi ni Banzon na ni minsan ay hindi sila tumangging ibalik ang halaga: “Ang banko namin ay hindi ginalaw ang pondo o nakinabang dito dahil namalagi ito sa BSP sa buong panahon.”

Ang mahigit P9.7 milyon, aniya, ay inilagay ng LBP sa Demand Deposit Account ng BRBI sa BSP sa apat na remittances sa pagitan ng ika-3 hanggang ika-22 ng Mayo, 2019.

Ang pera ay bilang kabayaran ng PhilHealth sa B. Braun Avitum Phils., Inc., isang dialysis treatment provider.

Ipinaliwanag ni Banzon na wala silang account holder na Editha Conel at Jerome Follante na sinasabing mga empleyado ng PhilHealth sa Cagayan Valley. Ang transaksiyon, aniya, ay sa pagitan ng dalawang banko – ang BRBI at LBP.

“Ang palitan ng komunikasyon sa pagitan ng BRBI at LBP at PhilHealth ay malinaw na nagpapakita ng kagustuhan naming maibalik agad ang pera sa LBP,” sabi ng pangulo ng banko sa Balanga.

Sa isang miting noong ika-25 ng Setyembre 2019 sa opisina ng BRBI sa Balanga, sinabi ni Banzon na napagkasunduan na ang kanilang banko ay babayaran ng P49,123 bilang charges at ang mahigit P9.7 milyonay agad nilang ibabalik sa LBP.

Ang pulong ay dinaluhan ng mga opisyales ng LBP at PhilHealth, na ang resulta ng pag-uusap ay agad ipinaalam ng BRBI sa BSP. Ang PhilHealth ang pumayag na bayaran ang charges sa BRBI, ani Banzon.

Sa alegasyon na kapag malaman kung sino talaga ang may-ari ng bank account sa Balanga ay mabubuksan ang Pandora’s Box, ang sagot ni Banzon “walang ioopen dahil walang account dito.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here