Home Opinion Bakuna muna, bago eskwela

Bakuna muna, bago eskwela

1152
0
SHARE

ITO ang sa ngayon natin masasabi
kontra sa balak na pagbukas ng klase
ng DepEd, kung saan ay napakarami
ang tutol; at ipagpaliban na bale.

At sa susunod na ‘school year’ na ito
buksan sanhi r’yan ng di pa sigurado
itong DOH sa ligtas na nga tayo
sa ‘Covid-19 na lubhang peligroso.

At hanggang sa oras na ito, patuloy
ang paghahasik ng lagim, ano’t itong
DepEd sige pa rin sa isinusulong
na buksan nga’t kaysa kanilang i-postpone’.

Buhay ng tao ang nakataya rito
kung paka-isipin ng ating gobyerno,
lalo ni Sec Briones, na isugal nito
ang mag-aaral sa bagay na ganito.

Kung saan kapagka may ‘local transmission
habang ang bata ay papunta sa ‘school’
o sa loob kaya mismo r’yan ng ‘classroom’
mapapanagot ba si Pangulong Digong?

Pagkat kinonsinte si DepEd Sec Briones
na mabuksan n’yan ang di ‘regular classes’
sa kahit man lamang r’yan ng paggamit
nang ngayon ay mga makabagong ‘gadget’?

‘Yan kung di uubra ang dating pagbukas
na pisikal na pagasok at paglabas
sa eskwelahan ang mag-aaral dapat,
na tinututulan nga ng halos lahat.

Naisulat ko na sa ‘ting nakaraang
‘online edition’ ang hinggil sa isyung yan,
na ang ‘home schooling’ ay di kasagutan
upang itong bata ay may matutuhan.

Una, sabi ko nga di lahat ng ‘parents
can afford’ nila na ibili ng ‘gadgets’
ang mga anak sa ‘out of school classes’
na gaya ng isa pang option ni Briones.

Kundi pati na rin ang pagnanais n’yan
na ituloy basta itong pag-aaral
ng batang eskwela sa kaparaanang
masasabi nating may pagka-abnormal.

Hindi komo ‘hi-tech’ na tayo sa ngayon
sa lahat na, lalo sa komunikasyon,
magagamit pati ‘yan sa pagtuturong
‘online study’ na daming di sang-ayon?

Gasino na itong ipagpaliban niyan
ang pasukan ‘next year’ nang walang sisihan
sa panig ng DepEd at mga magulang,
sakali’t di okey ang kahihinatnan.

At ibawas na lang sa dalawang taon
na idinagdag ni ex-president PNoy
sa dati ay sampu na naging ‘twelve’ ngayon
bago makatapos pati ng ‘high school’.

Na wala rin namang buting idinulot
kundi sa magulang karagdagang gastos
ang ipinapasan sa balikat halos
ng naapektuhang sa buhay hikaos.

Kung saan pareho lamang din ang suma
nang dati ay sampu, na dinagdagan niya
ng dalawa kaya’t walang pinag-iba,
para sa atin ang kanyang pag-amyenda!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here