Baklasan ng illegal posters sinimulan na

    406
    0
    SHARE

    HAGONOY, Bulacan—Nagsimula nang magbaklas ng mga campaign posters na wala sa common poster area sa bayang ito ang ilang tauhan ng mga kandidato noong Huwebes.

    Ito ay matapos iutos ni Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor sa Bulacan, ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga illegal campaign posters.

    Isa sa mga unang poster na tinanggap sa bayang ito ay ang poster ng Alay Buhay partylist dating nakalagay sa bakod ng munisipyo.

    Ngunit ang iba pang poster ay hindi pa natatanggal katulad ng nasabing party-list group sa terminal ng tricycle sa kabayan ng Hagonoy, at mga poster ni Bro. Eddie Villanueva sa mga poste ng kuryente at bakod ng Kapitolyo sa Malolos.

     Maging ang mga poster ng mga kandidatong bise-alkalde ng bayang ito na sina Tina Perez at Lamberto Villanueva ay hindi pa natatanggal habang sinusulat ang balitang ito noong Huwebes ng gabi, Perbero 21.

    Ayon kay Duque, ang mga kandidato at partidong sangkot sa paglalagay ng mga poster sa labas ng itinakdang common poster area ay padadalhan nila ng sulat upang tanggalin ang mga ito sa loob ng tatlong araw.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here