Base sa nakuha nating impormasyon
Hinggil sa RPT records sa Capitol
Ng labing siyam na bayan at lungsod nitong
Mabalacat city, ‘in terms of collection’
Ng ‘revenue’ at/o marapat bayaran
Nitong sa itaas ay naturang bilang,
(Maliban sa capital city’s performance,
Na di kasama sa ulat o listahan);
‘Very poor’ sa liit ng RPT proceeds
Itong Sta. Ana, Mexico at San Luis;
Pero ang di natin lubos na malirip,
Ang sa Mabalacat… pinaka-maliit,
Base sa listahan – at kung saan itong
Mexico, kumpara sa Sto. Tomas town
Na pito lamang ang barangay, paanong
Higit na mataas ang kanyang koleksyon?
Kaysa bayan nga ng Mexico, na mayrung
Apat-napu’t-tatlong barangay , at may Mall
Na kagaya riyan ng SM at Robinson,
(Maliban sa ito’y isang ‘industrial town’)
At ang land area n’yan tiyak na malawak
Kaysa sa Sasmuan at saka Sto. Tomas,
Puera lang marahil sa Lubao at Porac
Na s’yang sa RPT n’yan bale ang nag-‘top’
Kasunod ang Guagua, Apalit, Bacolor
At San Simon, (na ang ini-‘remit’ nitong
RPT ay mahigit sa eleven (11) million;
(Wong surpassed anyone who sits then as mayor).
Pang-anim ang bayan ng Floridblanca,
Na halos nine (9) million ang ni-remit nila;
Arayat, pang-walo; Minalin, Candaba
Ang bale pang-siyam at pang-sampu kumbaga.
Patunay lamang na ang ating butihing
‘Governor is indeed truly establishing
A sturdy tax culture for our dear province,’
Base sa sariling obserbasyon natin.
Evidently that said ‘sturdy tax culture
Has yet to reach the new city and Mexico town;
Papanong ang ganung liit na koleksyon
Nitong una, na ni walang isang milyon
At itong huli na P 1.8 million lang
Gayong gaya nga ng ating pagka-alam
Ay napakalawak nitong ‘land area’ nyan,
Na commercial, industrial at residential?
At sa lahat ng LGUs sa Pampanga,
‘In terms of development’ nangunguna;
Pero imbes sila itong maging ‘Bida’
Sa laki ng RPT kulelat sila?
Ito ba ay sanhi ng kapabayaan
Ng kung sinong dapat tumutok sa ganyan?
Gaya halimbawa kung ang Punongbayan
Ay medyo kulang sa ayuda kung minsan
Sa kahero upang tutukan ng husto
Ang paniningil sa mga propetaryo?
(O kahit may singil ay di naman nito
Nire-remit agad sa’ting Kapitolyo?)
Papano nga kaya maipaliwanag
Na ang maliit na bayang Sto. Tomas,
Na may angkin lamang na pitong barangays
Nasapawan ang Mexico’t Mabalacat?
Ay mali! Bakit nga kaya nagka-ganun?
At mas malaki pa ang naging koleksyon
Nitong ika nga ay ating ‘smallest town’
Kaysa malalaki? (Kay Eli, itanong!)