Bahay ni Regine Velasquez lalagyan ng chimney para sa Pasko ng anak

    381
    0
    SHARE
    Ngayong Pasko, nasa bagong renovated nilang bahay na sila magdaraos ng holidays. Aminado si Regine na hindi niya forte ang paglalagay ng dekorasyon para sa Pasko.

    “Ang kapatid kong si Cacai ang magaling. Parang SM ang bahay niya ’pag Christmas. Ako, nagha-hire na lang, hahaha! Hindi ko naman siya binabayaran,” sey niya.

    Ang anak ba niyang si Nate, aware na sa Pasko at sa Santa Claus?

    “Ngayon na lang siya aware. Tinuturuan namin. Last year, hindi pa niya alam. Magpu-four na siya.

    Ngayon, mas aware na siya. mas alam na niya ang laruan. Gifts. Kasi before, two years ago, hindi pa siya aware. Ngayon pa lang siya nagkakaisip na, ah, heto pala ang Christmas. Birthday ko. Looking forward siya sa birthday niya. Alam na niya ang birthday niya. May Pasko pa.

    “Sumulat na siya kay Santa. Marunong na siya ng ganoong echos. Pero sabi niya sa akin, ‘How is he gonna go to our house. We have no chimney!’ Hahaha! Baka magpalagay ako ng kuning-kuning na chimney, hahaha! Saan nga dadaan si Santa, eh, wala kaming chimney, ’di ba?” chika pa niya.

    By the way, mas maaga pa siyang dumating sa Luxent Hotel kahapon kesa sa entertainment press na invited sa presscon ng concert niyang Regine…At the Theater na matutunghayan sa November 6, 7, 20 and 21 sa The Theater ng Solaire Resorts & Casino.

    “Gusto kong malaman ang latest tsismis sa showbiz, hahaha!” biro ni Reg sa press.

    Kaso, mas busy siya sa pagkain ng lunch kaya hindi siya agad nakipagtsismisan at nagdatingan na ang ibang press.

    Sinundan agad ito ng question and answer portion kaya stop muna si Songbird na makitsismis.

    Ipinaalala rin kasi ni Reg sa media na isulat na walang ibibentang ticket sa gabi ng show. Kailangang bumili sila ng tickets sa SM Tickets sa SM Cinemas at Ticketnet sa SM Customer Service bago pumunta sa concert.

    Sa Solaire kasi, ang namamahala sa tickets ay ang Ticketworld naman. Bawal din daw ang camera sa
    concert night at kailangang humingi ng permiso bago maipasok ’yon.

    Nilinaw ni Regine na hindi lang Broadway songs ang kakantahin niya. Pero bibigyan niya ng tribute ang songs ni Ryan Cayabyab at ang kanta ng Aegis dahil sa ngayon, ang rock musical na Rak of Aegis ang isa sa successful local musicals.

    Special guests ni Reg sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Audie Gemorra.

    Teka, sa intimate concert niya ngayon, meron ba siyang message na gustong ibahagi sa manonood?

    “Wala lang, hahaha! Wala lang! Basta lang!” tugon ni Regine.

    “Kasi lahat tayo sa Philippines, parang theater is so in demand. It’s so big nowadays. Ang daming musicals na ginagawa rito. Ang nai-excite ako, ’yung mga musical na ginagawa rito, ’yung iba, foreign pero karamihan Pilipino ang cast.

    “So, kahit galing sa ibang bansa ang production, pagdating dito sa Pilipinas, ang dami nating theater actors na ginagamit nila. Nakakatuwa ’yon. Siyempre, nagbu-boom talaga ang ating theater scene,” pahayag ni Reg.

    Ilang taon nang nakaimbak kay Regine ang konsepto ng concert sa Solaire. Ngayon lang daw niya ito nataymingan lalo na’t uso ang musical shows.

    “Wala namang matinding message. Mairaos lang. Hahaha! Wala naman sa ekonomiya. Wala pa naman. Sa ekonomiya ko, hahaha! Ito talaga ang tamang panahon!” saad ni Songbird.

    Bakit nga pala hindi isinama si Ogie bilang guest?

    “Wala lang. If you’d notice, hindi naman porke mag-asawa kami, lagi kaming nagsu-show together. Mas hindi kami nagkakatrabaho lately.

    “Pero, okey lang ’yon. Nagsi-sex naman kami, hahaha! Oo alam ko na lahat. Gusto mo ang sagot ko? Hahaha!” diin ni Regine.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here