Bahay ng pusher sinalakay

    575
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales — Sinalakay ng pinagsanib na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Regional Public Safety Battalion at Subic PNP ang bahay ng drug pusher sa Purok 6-B, Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.

    Ang pagsalakay ay isinagawa ng team na pinamunuan ni PDEA Region 3 Director Adrian G. Alvarino batay sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Fernando T. Sagun, Jr., ng RTC, Branch 78 ng Quezon City laban sa suspek na si “Alyas Apong Kalbo” ng nasabing lugar.

    Nakatakas naman sa raid si Alyas Apong Kalbo at nakuha sa bahay nito ang sachet ng shabu na nakatago sa likuran ng picure frame na nakakabit sa dingding ng bahay ng suspek at ibat-ibang drug paraphernalia.

    Nakarekober din ng mga raiding team ang sachet ng shabu at ibat-ibang drug paraphernalia sa No. 2059 na kalapit bahay ni Alyas Apong Kalbo na inabandona ng di kilalang suspek nang makita ang raiding team.

    Nauna nang nagsagawa ng buy bust operation ang PDEA kung saan huli ang suspek na si Julhari Tahari, 31, residente  ng Purok 6-B, Barangay Calapacuan.

    Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang may pitong plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 35 grams, weighing scale at marked money na nagkakahalaga ng P140,000.

    Ang suspek ay nasa custody na ng PDEA Regional Office 3 at sasampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here