Bagong Taon, lumang problema

    480
    0
    SHARE
    Nilusob ng mga truckers ang kapitolyo ng Pampanga noong Lunes matapos ang mahabang bakasyon.

    Ito ay hindi upang humingi ng panggasolina. Sa halip, isang pagpapahayag ng pagtutol sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Ordinance 261.



    Kinalampag din daw ng mga nagwewelgang kasapi ng Balas Boys ang tanggapan ni Gov. Ed Panlilio, na isang dating pari.

    Hindi naman daw sila mangungumpisal.



    Dahil sa pangangalampag sa pinto ng tanggapan ng punong lalawigan, tinawagan ni Gov. Panlilio si Senior Supt. Keith Singian, ang provincial police director ng Pampanga para pigilan ang mga tao.

    Para maiwasan ang mga susunod na insidente, dapat silang maglagay ng doorbell sa pinto.



    Nagpalabas din ng isang press statement ang tanggapan ni Panlilio kung saan ay inakusahan ang ang mga Balas Boys na diumano’y binugbog ang kanyang dalawang pamangkin..

    Nagbanta ang gobernador na ipatutupad niya ang full force of the law, ngunit nangako na hindi magiging marahas. Magdasal na kayo!



    Pinagbuntunan din ng sisi ni Panlilio ang pulisya dahil hindi napigilan ang mga nagpoprotestang kumalampag sa kanyang tanggapan.

    Dapat ikunsidera ng Gobernador na palaging atrasado ang dating ng mga pulis.



    Sa lalawigan ng Bulacan, nanantili pa ring malumanay ang panawagan ng mga residente ng Angat, Bulacan laban sa patuloy na pagku-quarry ng graba at buhangin sa kanilang bayan, sa kabila ng ilang beses nilang pagpapahatid ng liham kay Gob. Jonjon Mendoza.

    Pero malapit na rin daw mapuno ang truck, este ang salop.



    Kung daang milyong piso ang kinikita ng Pampanga sa quarry ng lahar, magkano naman kaya ang kinikita ng Bulacan sa may apat an dekadang pagku-qiarry sa Angat River.

    Ayon sa mga opisyal, di hamak na mas mayaman ang kalikasan ng Bulacan kumpara sa Pampanga at Zambales, pero bakit parang walang investor sa Bulacan?



    Mataas ang kumpiyansa ni Senador Mar “Mr. Palengke” Roxas na malaki ang tsansa niya na maging Pangulo ng Pilipinas sa 2010.

    Pero kailangan muna niyang pagtutuunan ng pansin ang mga survey dahil nangungulelat siya.



    Kung si Roxas daw ang magiging Pangulo, makakatulad ng isang malaking palengke ang bansa; kung si Villar, makatulad ng malaking subdivision ang bansa.

    Kung si Ping Lacson naman, tiyak na hari na naman ang mga pulis.



    Hindi raw lahat ay maaring isalin sa tagalong. Narito ang ilang halimbawa na accounting terminologies.

    Asset – Ari

    Fixed Asset – Nakatirik na ari

    Liquid Asset – Basang ari

    Solid Asset – Matigas na ari

    Owned Asset – Sariling pag-aari

    Other Asset – Ari ng iba

    False Asset – Ari-ari-an

    Miscellaneous Asset – Iba-ibang klaseng ari



    Simula pa lang iyan. Heto pa ang ibang salin wika.

    Asset Write off – Pinutol na pag-aari

    Depreciation of Asset – Laspag na pag-aari

    Fully Depreciated Asset – Laspag na laspag na pag-aari

    Earning asset – Tumutubong pag-aari

    Working Asset – Ganado pa ang ari

    Non-earning Asset – Baldado na ang ari



    Ano sa palagay ninyo? Pasado ba sa panlasa ninyo?

    Erroneous Entry – Mali ang pagkaka-pasok

    Double Entry – Dalawang beses ipinasok

    Multiple Entry – Labas pasok nang labas pasok

    Correcting Entry – Itinama ang pagpasok

    Reversing Entry – Baligtad ang pagkakapasok

    Dead Asset – Patay na ang ari.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here