Babae pinatay, sinunog ng BF

    72
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY -Patay ang isang di pa kilalang babae makaraan itong sunugin ng kanyang umano’y kasintahan sa isang beach resort sa lungsod na ito.

    Ang biktima ay nasa taas na 5’ at nasa pagitan ng 20 hanggang 25 taong gulang. Sa imbestigasyon ng pulisya ganap na alas-5:30 ng madaling araw nang masunog ang cottage ng Halfmoon Beach Resort, Lower Kalaklan
    kung saan nag check-in ang magkasintahan.

    Batay sa salaysay sa pulisya ng security guard na si Christopher Pascual, 22, isang nagngangalan umanong Marvin Fernandez kasama ang isang babae ang nag check in sa resort na binabantayan niya ganap na alas-11:30 ng gabi.

    Ayon sa mga testigo sa pagitan ng hatinggabi at alauna ng madaling araw nang marinig nilang nag-aaway ang magkasintahan sa labas ng cottage at pagkatapos ay bigla na lamang itong tumahimik.

    Laking gulat ng caretaker na si Sonny Nacincino kinabukasan nang makitang nasusunog ang cottage kung saan naka check in ang magkasintahan. Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)
    ang biktima ay may sugat sa ulo bago ito sinunog.

    Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima at ang address ng suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here