Home Headlines Babae nahuli sa curfew: SAP cash ginamit sa rebond ng buhok

Babae nahuli sa curfew: SAP cash ginamit sa rebond ng buhok

3097
0
SHARE

Ang checkpoint kung saan nahuli ang babaeng galing sa pagpapa-rebond. Kuha ni Biñang 2nd barangay kagawad Rico Navarro


 

BOCAUE, Bulacan — Isang babae ang nahuli sa isang checkpoint sa Barangay Binang 2nd bandang 9:30 ng gabi ng Abril 20.

Ginabi daw kasi ang babae dahil sa pagpaparebond ng buhok ngunit kalaunan ay inamin pa na ang ginasta sa parlor ang perang nagmula sa Social Amelioration Program (SAP).

Hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang sinasabing babae na nahuli sa checkpoint na dinala sa presinto ngunit malaunan ay pinauwi na din ng bahay.

Ayon kay kagawad Rico Navarro, nagroronda sila gabi ng Abril 20 nang makita ang nasabing babae habang naglalakad sa kalsada.

Nang kanilang tanungin kung saan ito galing ay ang tugon ng babae na nagparebond siya sa isang parlor.

Malaunan ay inamin pa daw nito na ang perang pinagpa-rebond ay ang natanggap niya na P6,500mula sa SAP na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development.

Ani Navaro, sinabihan nila ang babae kung bakit ginastos sa pagpapa-rebond ng buhok sa halip na gugulin ito sa pambili ng pagkain ay hindi na ito tumugon pa.

Agad nila itong dinala sa presinto dahil sa paglabag sa curfew ngunit pinauwi din kalaunan.

Mensahe ni Navaro sa mga nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno na sana ay gastusin ito ng tama dahil bukod sa nasa gitna ang bansa ng epidemia ay pinaghihirapan ng mga mamayan na nagbabayad ng buwis ang nasabing pondo.

Tinungo ng Punto! ang Bocaue Police ngunit tumanggi na ang mga ito na ibigay ang detalye at pagkakakilanlan ng nasabing babae.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here