Home Headlines Ayuda sa media mula NE governor

Ayuda sa media mula NE governor

1150
0
SHARE

MALASAKIT RICE. Ipinamamahagi ni NEPCI president Agapito Linsangan (kaliwa) ang ayuda ni Gov. Aurelio Umali. Kasama niya sa larawan sina Milo at Camille Salazar ng pahayagang Dahongpalay. Kuha ni Armand M. Galang 


PALAYAN CITY – Umabot sa 53 mamamahayag na kasapi ng Nueva Ecija Press Club,Inc (NEPCI) ang nakatanggap ng tig-25 kilo ng bigas mula sa pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Agapito Linsangan, pangulo ng NEPCI at announcer ng DWNE, ang pagkakaloob ng bigas sa mga manunulat at broadcaster ng lalawigan ay tugon ni Gov. Aurelio Umali sa kahilingan ng grupo dahil sa epekto ng umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine.

Personal na inihatid ni Linsangan ang mga sako ng bigas sa kanilang mga kasapi na nasa iba’t ibang lungsod at bayan ng probinsya.

Malasakit rice, ang tawag sa bigas na mula sa mga palay na pinamili mula sa mga lokal na magsasaka ng Provincial Food Council bilang suporta sa mga Novo Ecijanong magsasaka, ang ipinamahagi sa mga mamamahayag, ayon kay Linsangan.

Sa pamamagitan ni Linsangan ay ipinaabot naman ng mga mamamahayag ang pasasalamat kay Umali.

“Malaking tulong po ito sa mga kapatid namin sa Nueva Ecija Press Club, Inc.,” sabi ni Linsangan.

Katulad ng ibang sektor, karamihan sa mga lokal na mamamahayag ay naapektuhan rin ng ECQ, lalo pa’t umiiral din ang lockdown sa ilang lungsod at bayan ng Nueva Ecija.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here