Home Headlines Ayuda pinambili ng droga, 2 SAP beneficiaries timbog

Ayuda pinambili ng droga, 2 SAP beneficiaries timbog

808
0
SHARE

Ang dalawang drug suspect matapos bumagsak sa kamay ng kapulisan. Kuha ni Rommel Ramos



PLARIDEL, Bulacan — Arestado ang dalawang
benepisyaryo ng Social Amelioration Program na pinambili ng ilegal na droga ang nakuhang ayuda mula sa gobyerno sa gitna ng pandemya ng Covid-19.

Ang dalawang suspek na nakilalang sina Benjamin Bonus at Jonathan Galvez ay bumagsak sa kamay ng kapulisan sa ikinasang buy-bust operation nitongHuwebes.

Ayon kay Maj. Wendel Ariñas, OIC ng Plaridel municipal police station, matapos makatanggap ng ayuda ang dalawa nitong Martes ay kaagad nangpinambili ito ng ilegal na droga.

Ani Ariñas, 30 sachet na hinihinalang shabu ang narecover nila sa mga suspect.

Aminado naman ang mga suspek na ang natanggap na P6,500 na ayuda mula sa SAP ay pinambili nga nila ng ilegal na droga at nagsisisi sila sa nagawa.

Sa kasalukuyan ay nakadetine ang mga suspek sa Paridel municipal police station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here