Ating mga TCT, bigyang pansin sa RD

    354
    0
    SHARE

    (Karugtong ng sinundang isyu)

    NA NASISIGURO nating ‘on time’ pa rin
    Ang pag-file with the help of her latest counsel
    Which appearance is contingent and has nothing
    To pay as attorney’s fee for any hearing.
     
    But except for what they both agreed together,
    Of which is minimal and be settled later
    Or once the pending case is resolved and given
    Due consideration based on all its prayer.         
     
    At sana ngayong yan ay nakakuha na
    Ng legal counsel na supportive talaga
    Ay maka-asa na ang pobreng biktima
    Na mabibigyan ng tunay na hustisya

    At mabawi nilang mag-ina ang lahat
    Ng salaping dapat kitain at sukat
    Sa ‘9 door apartment’, nitong nakalipas
    Na panahon, at kung saan yan dumanas

    Ng paghihakahos at halos sumala
    Sa oras sanhi ng sila ay wala na
    Ni anumang pagka-kitaan kumbaga
    Mula nang mawala ang apartment nila.

    Na s’yang bukod tangi at inaasahan
    Ng mag-ina, nang sumakabilang buhay  
    Ang ama, at lahat ng kanyang iniwan
    Animo’y inagaw sa kanilang kamay

    Nitong si Elisa na taga Minalin,
    At ng isang aywan kung mandurugas din
    O kapwa biktima lang ng subject nating
    Kawawang mag-inang nakuhang lokohin?

    Isa lang marahil ang mag-inang ito
    Sa marami na r’yang posibleng naloko,
    Nitong ang klase ng kanilang opisyo
    Ay kagaya rin ng ganitong estilo.

    Tulad halimbawa sa may Quezon City,
    Na kung saan ‘it was also found out lately
    By others that the titles of their property
    Kept on records at the office of LRC,   

    Were no longer intact and duly registered
    In their names, as they were annotated cancelled,
    And new ones are issued in favor of others
    In effect of what are falsified documents.

    Since fictitious buyers of this kind of scam
    Can easily hire one who has a ‘golden hand’
    To falsify any, (and for a job well done,)
    By simply sharing him a good pay in return.

    Na aywan kung sino ang kasanggang dikit
    Ng mga taong yan sa Register of Deeds,
    Kung kaya maluwag nilang ‘napipitik’
    At naduduktor ang kailangang papeles.

    Upang maibenta ang lupa ng iba
    Sa kung sino, at kung saan itong pirma
    Ng ‘land owner’ itong nagagaya nila,
    Pati ang iba pang marapat pumirma.

    Gaya nitong lupang DAR na may probisyon
    At bukod tanging ang Regional Director
    Ang dapat pumirma pero peke itong
    Sa papeles nakalagay na signature.

    Kaya tayong mga may lupang commercial
    Kapirasong lote o lupang sakahan,
    Makabubuting ya’y ating paka-tingnan
    Sa RD o kaya sa LRC minsan

    Para makatiyak na ang lupa ninyo
    Ay sa inyo pa rin yan nakarehistro
    Upang di mangyari ang kagaya nito
    Na sinapit d’yan ng taong kilala ko!  

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here