Si Aiko Melendez kaya’ng suspect ni Ara Mina na nagkakalat ng tsismis na may relasyon sila ni vice presidentiable Ronnie Puno?
Ayaw kasing pangalana ni ara ang suspect niya.
Sa presscon ng Sinenovela Presents Tinik sa Dibdib ng GMA-7 nu’ng Martes ng gabi, nilinaw ni Ara ang maaaring dahilan ng pagkalat ng text messages na may relasyon sila ni Sec. Puno.
“May nag-forward sa akin nu’ng text message. Pero hindi ko masyadong pinansin. Nagtaka lang ako kung bakit may ganu’n until na-realize ko kung ano ’yung posibleng dahilan nu’n,” simulang pahayag ni Ara.
“Kilala ko kung sino ’yung gustong manira sa akin. Siguro, gusto rin niyang siraan si Sec. Puno kaya itsinitsismis kami ng kung anu-ano.
“Malapit na ang eleksyon kaya kanya-kanyang eksena na ’yan, ’di ba? ’Yung nagkakalat ng tsismis na ’yon, mahilig talaga siyang gumawa ng isyu. Naisyu na rin kami niyan before, eh. Nagpainterbyu pa nga siya sa TV.
“Pero wala akong balak na patulan siya. Hindi ko babanggitin ang pangalan niya kasi baka interbyuhin na naman siya. Hahaha!” dagdag pa ng aktres, na gaganap bilang Trexie sa Tinik sa Dibdib, na pinagbibidahan din nina Sunshine Dizon at Marvin Agustin.
“Nu’ng time kasi na namumroblema si Rochelle (Barrameda) tungkol sa sister niyang si Ruby Rose, tinanong niya ako kung sino ba ang pupuwede nilang lapitan.
“Nag-usap-usap kami hanggang sa nai-suggest ko na bakit hindi sila humingi ng tulong kay DILG Sec. Puno? Kinausap ko si Sec. Puno, sinabi ko ’yung problema. Tapos, sila na ni Rochelle ang nag-usap.
“Nakakatawa nga, eh, kasi naging isyu pa ’yung pagtulong ko kay Rochelle. Pati si Sec. Puno, inintriga pa,” bulalas pa ng aktres.
Idinagdag din ni Ara na malapit na kaibigan ng pamilya Mathay si Sec. Puno kaya may access siya rito.
“Family friend sila ng mga Mathay, ng tatay ko (Chuck) at ni Lolo Mel kaya close kami. Kaya natawa na lang talaga ako ro’n sa kumakalat na text message,” naiiling pa niyang pahayag.
Sa kabila ng mga intriga sa personal na buhay ni Ara, ipinagmalaki ng aktres na going strong pa rin ang relasyon nila ng kasintahang si Raymond Yap.
“Sanay na ’yon sa intriga,” kuwento pa niya. “Minsan nga, siya pa ang nagsasabi sa aking ‘uy, may isyu sa ’yo, ah.’
“Pero wala lang. Hindi rin niya siniseryoso, kasi alam naman niya ’yung totoo, eh. May tiwala naman siya sa akin at malaki rin ang tiwala ko sa kanya,” dagdag pa niya.
Samantala, kinumpirma rin ni Ara ang kanyang pagtakbo bilang konsehal sa 2nd district ng Quezon City sa darating na eleksyon, pero next month pa raw niya malalaman kung kaninong partido siya sasama.