Home Headlines Anti-flood master plan minamadali ng Senado

Anti-flood master plan minamadali ng Senado

350
0
SHARE
Si Sen. Bong Revilla nang makapanayam ng media sa pamamahagi ng AICS sa Guiguinto. Kuha ni Rommel Ramos

GUIGUINTO, Bulacan — Minamadali na ng Senado ang Department of Public Works and Highways para magsumite ng kanilang master plan para masolusyunan ang mga malawakang pagbaha na nararanasan sa maraming lugar sa bansa.

Ito ang pahayag ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa isang panayam nang magtungo ito sa Bulacan para sa pamamahagi ng AICS program sa mga bayan ng Balagtas at Guiguinto.

Ani Revilla, nakatutok sila para masolusyunan na ang mga pagbaha lalo na at papalakas nang papalakas ang mga pumapasok na bagyo sa bansa.

Aniya, band-aid solution lang ang mga ginagawa ngayon na mga anti-flood control projects at ang talagang hinahanap nila sa DPWH ay ang master plan kung paano ito masosolusyunan nang pangmatagalan.

Kinakagalitan na nga daw nila ang DPWH para lang mapabilis ang pagsusumite ng nasabing master plan.

Sa ngayon ay umiikot daw si Revilla sa mga catch basin areas gaya ng sa Bulacan para alamin ang sitwasyon ng mga residente dito kapag sinasalanta ng mga pagbaha.

Samantala, sinabi din ni Revilla na nalulungkot siya sa nangyayaring sigalot sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Hiling niya na magkaayos na ang dalawa dahil ang higit aniya na-aapektuhan ng gulo ay ang taumbayan.

Dumalo si Revilla sa pamamahagi ng AICS sa 1,000 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Balagtas at Guiguinto na ginanap sa Guiguinto Municipal Oval nitong Lunes.

Kasama ni Revilla sina Bulacan 5th District Rep. Ambrosio Boy Cruz at Guiguinto Mayor Agay Cruz.

Matapos sa Guiguinto ay nagtungo din sa Revilla sa lungsod ng Baliwag.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here