Anti-carnap seminar ginanap

    446
    0
    SHARE

    CANDELARIA, Zambales – Kabuuang 41 tauhan ng Zambales Public Safety Company (PSC) ang sumailalim sa anti -carnapping seminar na isinagawa ng mga tauhan ng Zambales Provincial Highway Patrol Team (ZPHPT) sa Barangay Malimanga sa bayang ito.

    Angs eminar ay pinangunahan nina Senior Inspector Isabelo Ganao at SPO4 Marlon Agno pawang mga taga ZPHPT.

    Tinalakay sa seminar ang may kinalaman sa RA 4136 (LTO Law), plate spotting and identification of fake and questionable documents, at iba pa, ganun din ang may kaugnayan sa ipinatutupad na batas trapiko.

    Magugunita na inilunsad ng PNP at ZPHPT ang “Oplan No Mercy” kung saan karamihan sa mga nahuli ay mga motoristang sakay ng single motorcycle na lumabag sa RA 4136, partikular na pinaiiral na “No Helmet, No Travel” policy, unregistered vehicles, unlicensed driver at iba pang paglabag.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here