Anti-Capnapping pina-igting

    429
    0
    SHARE
    May dalawang mga sasakyan at dalawang motorsiklo ang ini-impound nitong mga nakalipas na araw ng mga auhan ng MOBILE 304, ng Highway Patrol Group 3-Zambales dahil sa walang mga maipakitang mga dokumento ang mga drier ng nasabing mga sasakyan.

    Ito ay patunay na nagtatrabaho ng mahusay ang HPG3-Zambales sa pamumuno ng kanilag Provincial Chief na si P/Chief Inspector Noel Nunez.

    Batay sa ulat na ipinadala ni NUNEZ kay Regional Chief, HPG3, P/Sr. Supt. Fernando Villanueva, kabilang sa mga nahuling mga sasakyan ay ang NISSAN SENTRA (CTV-289) na minamaneho ni Tanika Kate Cue ng No. 974 Baraca-Camachili, Subic, Zambales; MITSUBISHI MIRAGE DINGO ng walang plaka na minamaneho ni Ariel Pascasio ng No. 24-5th St., Barangay West Tapinac, Olongapo City.

    Ang mga nasabing drivers ay walang maipakitang kaukulang mga dokumento sa legalidad ng kanilang minamanehong sasakyan kaya napilitan itong i-impound ng mga tauhan ng HPG at ngaon ay isinasailalim sa imbestigasyon.

    Gayundin ang HONDA BROS (RE-5599) na minamaneho ni Rodrigo Toralde ng No. 703 Amapola St., Sta Rita, Olongapo City. Ang nasabing sasakyan ay sinabitan lamang ng plaka, sa madaling salita hindi iyon ang tunay na “plate number” kung kaya ini-impound ito ng HPG.

    Nahuli din ng HPG si Leonardo Angel ng No. 9-10th St., Barangay East Tapinac, Olongapo City dahail sa hindi pagsusuot ng “helmet” habang minamaneho nito ang isang MOTORSTAR (OF-2935) at ng hanapin sa kanya ang rehistro ng motorsiklo  wala itong maipakia kung kaya ini-impound ito ng HPG.

    Aba! Sa araw-araw na ginagawang panghuhuli ng HPG kulang ang kanilang lugar para gawing itong IMPOUNDING AREA para sa sasakyan ng mga motorist na matitigas ang ulo. Alam na nilang bwal ito a ginagawa pa.

    Sabagay hindi lamang mga ordinaryong mamamayan ang gumagawa nito maging ang mga nasa gobyerno natin ang silang pasimuno at kapag nasasagasaan mo, sila pa itong galit. Ganun din naman ang mga sebilyan, tatawagan ang kanilang mga pambatong pulitiko at sasabihin, Sir nahuli po ako o di kaya sasabihin, Sir, bata-bata po ako ni GOB, CONG at kung sino-sino pang mga pulitikong PULPOL.

    Lintek, tamaan ng magalit, umayos kayo ng hindi kayo nasisita. Paano na kung wala itong mga tauhan ng HPG na nagpapatupad ng kanilang trabaho, e! di lahat ng mga nagmamay-ari ng sasakyan pwede ng di magparehistro ganun ba?

    Payo ko sa mga taga HPG3-Zambales ipagpatuloy ninyo ang inyong magandang ginagawa, ang CASTIGADOR ay susoporta sa inyo anumang oras.

    MABUHAY kayo!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here