Home Headlines Anong pakulo mayrun ang PELCO III?

Anong pakulo mayrun ang PELCO III?

174
0
SHARE

Di pa man nabigyan ng matamang pansin
ang kamakailan ay naging puna natin
sa pamalakad ng PELCO dito sa ‘tin,
na ‘4th District’ nitong Pampanga, di pa rin;

Kumilos ang punong tagapag-paganap
upang maisayos ang anumang dapat
baguhin sa loob , gayon din sa labas
ng opis niya para mapansin ang lahat.

Ang dating gawi ng mga ‘meter reader’
na basta na lamang yata ‘hula system’
ang pina-iiral dagok sa ‘consumer’
pagkat pandaraya na maituturing.

Nitong nakaraang ilang araw pa lang
tinanong ng isang anak ko, kung ilang
‘kilowatt’ ang ‘reading’ ng aniya kay tatay,
ang sagot, ito raw ay ‘pinagbabawal?

Simpleng katanungan ay ganyan ang sagot
nang isang aywan kung may sira ang tuktok?
Sa anong dahilan ganito ang utos
na ipinagbilin ng manager sa loob?

Malamang tantyahan lamang kalimitan
na itinatala sa ‘kilowatt list’ niyan,
ang ‘reading’ kung kaya walang katiyakan
ang ating bayarin sa puntong naturan.

Para makikilan tayo sa ganitong
pamamaraan na sakaling totoong
may nagaganap na ganyang pangongotong,
hangga’t maaga ay gawan yan ng aksyon.

At alamin sa’ting kinauukulan
kung bakit nga kailan isang ‘aircon’ na lang
itong naka’install’ sa aking pamamahay,
na dati ay tatlo, ‘yon pa rin ang takal.

Di nabawasan ang singil na napako
sa dating halaga, na kahit na nga po
anong pagtitipid ang gawing pamalo
laban sa mataas na singil malabo.

Kung saan marahil ay kinakailangang
magkaisa tayo sa iisang daan,
patungo sa ika-ginhawa ng bayan
at ng atin na ring kapwa ‘consumers’ niyan.

At huwag tangkilikin mga pulitikong
kilala lang tayo r’yan tuwing eleksyon
pero pagkatapos kahit masalubong
natin si Konsehal, si Vice o si Mayor;

Baka ni batiin tayo ay hindi na
kasi ang halalan ay tatlong pa
bago sumapit at mamudmod ng pera,
lalo ang kaunti ang amigo’t mapera.

Balikan natin ang hinggil sa Pelco III,
na ang pamalakad’yan imbes bumuti
ito’y sumasama para sa marami,
gawin yan ng patas at maka-Diyos pati!

Sana, gawin ninyo ang kinakailangan
at nararapat na serbisyong patas lang,
kaysa sa dayain sa ganitong paraan,
na ‘hula system’ lang ang pinaiiral !~

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here