Home Opinion Anong klaseng gayumamayroon ang pulitika?

Anong klaseng gayuma
mayroon ang pulitika?

734
0
SHARE

NGAYONG sa alin mang bayan at probinsya
ay ang tandem nina Bongbong – Inday Sara
itong sa ‘survey’ ay laging nangunguna,
tapos na ang boksing para sa ‘tin di ba?

Sapagkat anumang gagawing pagkilos
ng mga kalaban para dumausdos
pababa ang bilang nitong maka-Marcos
at umiidolo kay Sara, bangungot.

At ni katiting na pag-asa man lamang
na mai-angat ang kaukulang bilang
ng nomirong hawak sa kasalukuyan
ni ‘vice’ Leni’t Kiko ay kabaligtaran.

At kaya marahil naipanukala
ni Isko at iba pang-‘presidential’ nga
na hangga’t maari mapapayag yata,
umatras si Leni – makatulong kaya?

Sa kadahilanang ang inaasahan
na makatutugon sa inaakalang
silang mauupo d’yan sa Malakanyang,
kapalit ni Digong ‘day dream’ ang hantungan.

Lalo ngayong halos ‘3 weeks’ na lang kwenta
ang bubunuhin d’yan ng lahat-lahat na
upang makuha n’yan ang puso  ng masa,
di simpleng bagay ang adhikain nila.

Partikular itong sa pang-‘presidential’
at mga ‘higher post’ na katulad nga riyan
ng ‘vice’ at saka r’yan ng pang-‘senatorial,’
na di kaunting pera lang ang isusugal.

Na di barya nga lang itong sinusunog
nilang salapi at di kakaunting pagod
ang inaaksaya n’yan sa kai-ikot
nang walang pahinga at maghapon halos.

Lalo na kay Yorme na hindi pang-lokal
na puesto ang habol nitong kagaya r’yan
ng isang sabi ay ‘punch-drunk na i Pacquiao,
na kung mamudmod  ng pera ay lantaran?

Tama’t hindi bawal ang pagkandidato
ng sinuman, pero depende siguro
sa kung ano riyan ang tinapos na kurso
bago makisawsaw  sa pagka-pangulo.

Hindi komo siya ay naging senador,
na hindi ika nga ay ‘single position,’
maipanalo na r’yan ng ambisyosong
tulad ni Manny ang inabot ni Digong?

Pagkat  sa tulad n’yan na di nakatapos
man lang ng ‘high school’ ay kaabug-abog
maging  pangulo ng bansang napabantog
sa katalinuhan gaya riyan ng Marcos?

Umatras ka na lang bago mamulubi
sa kabibigay ng pera sa marami,
kaysa ang danasin mo sa bandang huli
ay tiyakang ubod pait pagsisisi.

Sa akala po ba riyan ni Mr. Pacman
maibabalik pang pera’t katanyagan
niya kapag siya’y umuwing talunan?
At ngayong sa boksing ay laos na rin yan?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here