At kay Erap na rin, sa puntong higit na
May paninindigan si Pangulong Gloria,
At matapang-tapang kaysa sa kanila
Sa pagharap d’yan ng matinding problema;
Pagkat si Gloria ay hindi nagpasindadk
Sa intriga upang sumuko kaagad;
Gayong kaliwa’t kanan ang nagtutulak
Na siya’y mapatalsik at/o maibagsak!
Samantalang sina Ka Ferdie at Erap
Ay parehong nagkumahog sa pagtakas,
Nang di matagalan ang nagpupumiglas
Na ngitngit ng bayan sa nagawang palpak.
At ngayo’y may lakas ng loob umulit
Itong si Estrada upang makapalit
(Nitong tama’t sabi ng iba’y maliit
Pero higante naman ang pag-iisip?).
At saka huag na po n’yong igiit sana
Na ang ‘presidency’ ay inagaw lang niya,
Sa dahilang kusa kayong lumayas na
Sa Malakanyang nang manumpa na siya.
Kasi nga po bilang Bise Presidente
Ay dili’t iba ay siyang hahalili
Sa presidential seat na naging bakante
Nang kami ay inyong iwanan sa ere!
Tama na ‘yong kayo ay nakapaglingkod
Ng kung ilang taon at di n’yo natapos
Ang terms of office na kayo rin ang lubos
Na sumira nito sa gawang di ayos.
Total halos lahat na ng katungkulan
Ay nasubok n’yo na at pinagdaanan,
Ano pa bang hahanapin n’yo sa buhay
At di na lang kayo pumirimi sa bahay?
Subok na ng masa kung gaano kayo
Katatag humawak sa inyong pundilyo,
Kaya sa puntong yan di na po siguro
Kayo mahahalal pa bilang Pangulo.
Sabagay, posibleng makopu n’yong muli
Ang cuty of San Juan, kung saka-sakali;
At naririyan pa ang tao mo dati
Na hanggang ngayon ay iyo pang kakampi..
Yan ay kung puede pa nga kayong humabol
Base sa Saligang Batas sa elekasyon,
At may nabago na sa ilang probisyon
Na nasasaad sa ating Konstitusyon.
Mulat na ang tao at di na po basta
Naniniwala yan sa ganyang sistema,
Na kunwari’y para lang pasalamat ka
Pero ikaw pala’y may hidden agenda..
Sayang lang ang pera ninyo’t pagpapagod
Sa araw-araw na inyong pag-iikot,
Na kunwari mandin ay pagpapa-abot
Pasasalamat sa bayang ini-irog?
Mabuti-buti pang itulong n’yo na lang
Ang sobra n’yong pera sa bahay ampunan,
At yan ay tiyak na may kapupuntahan
Kaysa pagtatapong walang katuturan!