Ano nga kaya kung hindi si Duterte?

    342
    0
    SHARE
    KUNG HINDI marahil si Pangulong Digong
    ang pinalad sa nakaraang eleksyon,
    bukas, malamang ang singkwenta porsyentong
    bahagi ng ating populasyon ngayon

    Posibleng addict na sa bawal na gamot,
    kung si Binay o si Roxas ang lumusot;
    Pagkat wala naman ding ginawa halos
    ang dalawa laban sa sistemang bulok.

    Partikular itong si Mr. Palengke,
    na naging Kalihim r’yan ng DILG;
    pero may nagawa bang ikabubuti
    ng Pambansang Kapulisan o PNP?

    Di ko sinasabing inutil si Roxas
    o naging pabaya sa tungkuling hawak,
    pero ano’t hindi niya nahalungkat
    sa panahon niya itong illegal drugs

    At itong iba pang alam niyang illegal
    na gawain pati r’yan nitong ilan pang
    may matataas pa manding katungkulan,
    pero kasabuwat sa hindi ikarangal?

    At kung saan kundi nga lamang marahil
    si Duterte ang naging Pangulo natin,
    kailan sa akala natin mabubuking
    itong pasimuno ng ganyang gawain?

    Na hayan, kundi lang kay Pangulong Digong,
    malalaman ba ng sambayanan ngayon,
    na ang iba palang nasa likod nitong
    ganyang kilusan ay Mayor daw at Solons?

    Kasama na pati ang maraming corrupt
    na opisyal mandin sa hanay ni Roxas
    nang siya pa bale ang pinakamataas
    na lider ng mga Alagad ng Batas.

    Kay Grace Poe maaring tayo’y makaasa
    ng marahil kahit na kaunting pag-asa
    na mapatakbo ang gobyerno kumbaga,
    pero ang klase ng kay Digong di kaya.

    Sapagkat tunay na lalaki ang dapat
    umaksyon laban sa klaseng aktibidad,
    na di lang literal na taglay ang lakas
    ng isang barako wari ang katumbas

    Kundi bitbit pati ang tibay ng loob,
    ang gilas at saka sa ‘daga’ di takot;
    Na kabaligtaran nitong kung kumilos
    at mangusap, mapag-kakamalang bebot.

    Kay Binay ay wala akong masasabi,
    sakali’t siya ang naging Presidente,
    maliban sa baka lalong lang titindi
    ang overpricing at ang corruption pati.

    Kina Miriam, Greg Honasan at Trillanes
    ay masasabi kong ‘moot and academic,
    na ang ano pa mang ating ninanais
    isulat para sa pang-4th, pang-5th at 6th.

    At ang tangi lang na ating masasabi
    ay sigun lamang sa obserbasyon pati
    nitong higit nga sa mas nakararami
    ang naisip talakayin ni ‘yours truly’

    At tayo ay walang anumang personal
    na galit kay Roxas, Binay at iba pang
    sa itaas nito nabanggit ang ngalan,
    kundi bagkus ay napag-usapan lang!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here