Sa isang showbiz event hindi magkasabay na dumating sina Anne at Sam, bagay na kataka-taka dahil hindi usual ito.
Marami nga ang nakapansin sa hindi pagpapansinan ng rumored sweethearts na sina Sam Milby at Anne Curtis sa mga lakad nila sa ngayon.
Naunang dumating si Anne pero halata raw na wala itong sigla. Sumunod namang dumating si Sam na kahit daw nakita na si Anne sa isang sulok ay hindi nito nagawang lapitan or tabihan. Dumire-diretso lang daw ito sa kabilang room at doon nag-decide na mag-stay hanggang sa tawagin na siya.
Nang tanungin si Anne, sinabi naman ni Anne na pagod lang daw siya.
Kung halatang wala sa mood si Anne, obvious din si Sam na kilala naman sa pagiging palangiti. Pero nang oras na yun, marami nga ang nakapag-comment na tila daw “mainit ang ulo” or wala sa mood si Sam.
Iisa ang conclusion ng halos lahat ng tao na naroroon. Mukhang may “LQ” or lovers quarrel daw sina Anne at Sam na siyempre pa, bukod-tanging ang dalawa lang ang makakapagpatunay kung meron nga at kung ano ang pinag-ugatan ng tampuhan nila-kung meron man.