Mas una palang pinormahan ni Derek Ramsay si Anne Curtis kesa kay Angelica Panganiban. Noon palang may relasyon pa si Angel kay Carlo Aquino, halos magkamabutihan na sina Anne at Derek.
Nabuko ng press ang “lihim” ng dalawa kung totoo bang sinubukan nilang maging lovers kaya lang hindi natuloy.
“Yeah, for a while. Tinray namin. Pero that was four or six years ago pa! Matagal na, right before I started dating Manzano (tawag niya kay Luis),” kuwento ni Anne.
Halatang nabigla si Derek sa naging pag-amin ni Anne, kaya kumambyo agad ito at sinabing, “We were just hanging out kasi palagi. Do’n ‘yon nag-start. Kaya lang, hindi nag-bloom, kasi… Basta,’‘yon na ’yon,” paliwanag ng dyowa ni Angelica Panganiban.
Habang tinutukso ng press ang dalawa, biglang nag-dialogue si Derek: “Nakakaloka ka, Anne…! Echoserang frog!” na tila ang ibig sabihin, eh, bakit pa niya inuungkat ang past?
Hindi ba sila nanghinayang na hindi sila naging mag-on?
“No regrets! Okey naman kasi kami ngayon ni Derek,” wika ni Anne. At para kay Derek, “Kahit naman hindi naging kami, na-maintain naman ’yung friendship namin.”
Pahabol pa ni Anne, alam ni Angelica na muntik-muntikan nang naging sila ni Derek.
“Dahil hindi naman naging kami noon, alam ni Angelica na safe ang boyfriend niya sa akin. Hahaha!” biro pa niya.