Anne Curtis maraming masamang experience sa pagpunta sa Korea

    246
    0
    SHARE
    Nakakalungkot naman ang sinapit ni Anne Curtis sa airport papuntang Korea at maging sa pagbalik sa ’Pinas.

    Kuwento sa amin ni Vinia Vivar, sa isa sa mga reporter na kasama sa Korean trip ng Green Rose,n ang umalis daw sila last January 29, na-hold si Anne sa Incheon airport sa Korea dahil sa dala niyang Chanel bag na nasa luggage niya. Ang nasabing  bag ay kailangan sa taping dahil sa continuity scene na kukunan sa kanya.

    Akala raw yata ng immigration department sa Korea ay ibebenta niya ang nasabing bag at kahit magkatulong na sila ni Jake Cuenca sa pagpapaliwanag na actor at actress sila sa ’Pinas at gagamitin sa taping ang bag, nahirapan pa rin silang makalabas agad dahil hindi sila gaanong nagkakaintindihan because of the language barrier.

    Halos mangiyak-ngiyak na si Anne sa airport dahil ayaw nga siyang palabasin. Finally, matapos ang may kalahating oras siguro ay nakumbinsi rin ang immigration at sinabihan siyang siguraduhin lang na dadalhin ulit palabas ng Korea ang Chanel bag.

    “Of course, I’ll bring that with me, it’s my bag,” sagot naman daw  ni Anne.

    Heto na, nang pabalik naman ng ’Pinas last Monday, hindi na mapigilan ng aktres na mapaiyak sa sobrang sama ng loob sa flight attendants ng Cathay Pacific Airlines flight 905 galing ng Hong Kong pauwi ng ’Pinas dahil ang binili niyang David Yurman ring sa duty free ng HK International Airport ay nawala mismo sa kinauupuan niya sa business class section.

    Nakapag-landing na ang plane nang maganap ang insidente habang naglalabasan na ang mga pasahero. Inilapag ni Anne ’yung paper bag ng David Yurman sa foot rest dahil may inabot siyang bagahe sa itaas, tapos nakalimutan niya na itong kunin pero nang maalala, agad niyang binalikan kasama sina Echo at  Julie Anne Benitez (business unit head). Paper bag na lang ang nakita, wala na ang box, pati mga flight attendant, wala na rin.

    “Pinatawagan ’yung naka-assign na flight attendant sa business class section, pero hindi na makontak, nakauwi na raw at patay ang cellphone. Kinontak naman ’yung head ng naglilinis at ang sagot, ang nakita na lang daw niya ay box, wala na ’yung singsing.

    “Nag-report agad sina Anne sa Cathay Pacific assistance, pero wala silang maisagot. Sobrang depressed ni Anne sa Cathay,” kuwento ng executive producer ng Green Rose na si Arnel Nacario.

    Karugtong ng mga kuwento ni Vinia yung sobrang lamig na inabot nila sa Korea.

    Dusa raw ang inabot ng buong staff, crew at mga bida ng Green Rose na sina Anne Curtis, Jake Cuenca, Alessandra de Rossi at Jericho Rosales sa taping ng nasabing teleserye sa Seoul, South Korea dahil sinagasa nila ang sobrang lamig na umabot pa sa -7 degrees Celsius (the lowest so far last January at ayon sa report, the lowest since 1963.).

    Sina Anne at Jake, sandali lang nag-stay sa Korea dahil one-day taping lang sila. Kasabay daw nilang umalis ng ’Pinas last January 29 at umuwi naman last January 31, kaya hindi sila masyadong nagdusa sa weather.

    Pero sina Alex and Echo, pati na rin ang buong staff, mahigit isang linggong nag-taping kaya sila  ang napuruhan nang husto ng sobrang lamig.

    “Nakakasira ng bait” ang deskripsyon ng lahat sa lamig na naranasan doon.

    Kami nga, isang araw lang nasa labas at sumama sa taping, halos mamatay-matay sa lamig, how much more sina Echo, Alex at ang buong cast na isang linggong nag-taping doon na karamihan ay outdoor scene?

    Sabi nga ni Biboy Arboleda ng adprom ng unit ni Deo Endrinal, dapat papurihan ang staff dahil sila  ang hirap na hirap at matapang na tiniis ang lamig.

    Nang makausap nga namin si Echo, siya man ay talagang halos hindi kinaya ang weather lalo pa nga’t aniya, sobrang lamigin siyang tao.”


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here