Anne Curtis getting ready for marriage

    511
    0
    SHARE

    HINDI na nagpatumpik-tumpik pa sina Vice Ganda at Karylle na magbatian sa last few minutes ng “It’s Showtime” noong Martes. Tinapos nila agad-agad ang mahigit dalawang Linggong pagde-deadmahan kahit sa harap ng madlang pipol.

    May kinalaman daw ito sa nabalitaan ni Vice na may angal daw si Karylle sa pagli-link sa kanilang dalawa sa “It’s Showtime” dahil bakla ito. Dinamdam at pinaramdam niya ito kay Karylle.

    Iyon na nga lang, si Anne ang “naipit” nang itanong sa kanya ng mga movie press ang dahilan sa mismong thanksgiving at birthday celebration niya noong Lunes. Hindi marunong magsinungaling si Anne. Umamin siya, pero, isinara niya ang kanyang bibig agad-agad at nakiusap na sina Vice at Karylle na lang ang tanungin.

    Malinis ang record ni Anne sa pagiging totoong tao at nalulungkot siya kapag may ganitong nagaganap sa kanyang mga kaibigan, lalo na sa Showtime. Iwas-gulo din si Anne at napatunayan niya itong nang agad-agad siyang “mag-sori” sa MTRCB nang punahin siya sa isang sexy song number sa ASAP not so long ago.

    Overwhelmed din si Anne nang ipagtanggol siya ng madlang pipol nang ma-involve siya sa isang eskandalo sa isang bar sa Da Fort. Higit sa lahat, marunong siyang magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanyang malaking tagumpay sa showbiz.

    Incidentally, isang ka-kilig-kilig na larawan sa kanyang celfon ang ipinakita niya sa amin kung saan magkakasama sila ng anya’y, “Me with my boyfriend (Erwan), my best friend (Luis Manzano), and my boyfriend’s sister (Solenn Heusaff.”

    “Despite what happened, I have so many blessings to be thankful for,” she says. “Isa na rito ang ‘Dyesebel’ being assigned to me. Then I’m coming out with a new album called ‘The Forbidden Album’. I’ve already recorded fi ve songs written by well known singers like Christian Bautista, Jay R and Kris Lawrence.

    Tapos, I’ll have another concert at Araneta in May. After ‘Anne Bisyosa’, this one is titled ‘Round 2: Anne Kapal’.

    And then I’m shooting a new movie, ‘The Gifted’, with Cristine Reyes and Sam Milby, directed by Chris Martinez, so tuluy-tuloy lang talaga ang trabaho.”

    What’s the birthday gift to her of her boyfriend Erwan Heussaff? “A trip to Burma or Myanmar, but in April pa during Holy Week. We want to visit the place while it’s still raw and before it becomes another commercial tourist destination.”

    Any wedding plans? “As of now, none. He knows I want to settle down when I’m 32 pa. Kasi the clock is ticking, para hindi ako mahirapan magbuntis and deliver a baby kung much later pa. But I’ll still go on with my career kahit may baby na.”

    How does it feel to be 29? “It’s just a number. I certainly don’t feel my age, I don’t act my age and most of all, I don’t look my age!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here