Alvarado, 6 pa nahaharap sa kasong pandarambong

    429
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS— Nahaharap ngayon sa kasong pandarambong o plunder si Gob. Wilhelmino Alvarado at anim pang opisyal ng Kapitolyo kaugnay ng P287-milyong “unliquidated”na pondo noong 2012.

    Kaugnay nito, itinanggi ni Alvarado ang paratang na inilarawan niya bilang isang “political harassment” ng kanyang mga katunggali sa pulitika. Ang nasabing kaso na nag-ugat sa ulat na inilabas ng Commission on Audit (COA) noong nakaraang taon hinggil sa resulta ng kanilang pagsusuri sa paggamit ng pondo ng Kapitolyo sa taong 2012.

    Kabilang sa kinasuhan ay sina Belinda Bartolome, hepe ng Provincial Treasurer’s Office; Marina Flores, hepeng Provincial Budget Office; Marites Friginal, hepe ng Provincial Accountant’s Office; Arlene Pascual, hepe ng Provincial Planning and Development Office (PPDO); dating Provincial Administrator Jim Valerio na ngayon ay chief-ofstaff ni Alvarado; at Inhinyera Marina Sarmiento, ang dating hepe ng Provincial General Services Office (PGSO) na nagbitiw sa tungkulin noong nakaraang taon.

    Ang nasabing kaso ay inihain ni Antonio Manganti sa tanggapan ng Ombudsman noong ika-14 ng Pebrero o Valentine’s Day. Si Manganti na nagpakilala bilang isang taxpayer mula sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, ay isang dating rebel returnee na nagtrabaho sa Kapitolyo sa panahon ng panunungkulan ni dating Gob. Josefina Dela Cruz.

    Siya ay nagtrabaho din bilang isa sa mga staff ni Sienna Maureen Hilario na dating chief-of-staff ni Dela Cruz.

    Ang mga akusasyon ni Manganti ay batay sa ulat ng COA para sa taong 2012 na kung saan ay naulat na delayed o naantala ang paghahanda ng bank statements ng Kapitolyo, may iregularidad sa replenishment ng cash funds, at may unliquidated na ponio na umaabot sa mahigit P200 milyon.

    Batay pa sa kasong isinampani Manganti, ang pinakamalaking bahagi ng unliquidated funds ng Kapitolyo na umaabot ng P287 milyon ay nagmula sa confi dential intelligence fund (CIF).

    Inihalad ni Manganti na umabot sa P197.56 milyon ang unliquidated na CIF. Bukod dito, pinuntusan din niya ang pagdami ng pinasusuweldong kawani ng Kapitolyo na karamihan ay job order at ang maraming bilang ng consultant dito.

    Kabilang sa mga consultant ng Kapitolyo ayon sa ulat ng COA na pinagbasehan ni Manganti ay hindi nakaabot ang kakayahan sa pamantayang itinakda. Bukod dito, may mga consultant na ang natapos lamang ay “high school” at mayroon ding nabibilang sa mga sekta ng relihiyon.

    Ang iba pang pinagbatayan ng kasong plunder na isinampani Manganti ay ang illegal na paggamit ng Special Education Fund ng Kapitolyo at pamamahagi ng sobra-sobrang donasyon sa mga samahang hindi nabigyan ng akreditasyon ng sangguniang panlalawigan.

    Ayon sa kasong isinampani Manganti, umabot sa mahigit P10 milyon ang pera ng SEF na nagamit ng Kapitolyo bilang donasyon, samantalang ito ay dapat gamitin para samga programa sa edukasyon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here