Angelika Dela Cruz magpapasuso

    761
    0
    SHARE
    Almost five months na ang ipinagbubuntis ni Angelika dela Cruz, pero tuloy ang taping niya sa Una Kang Naging Akin at La Lola.

    May konting problema siya sa UKNA dahil ang role niyang si Vanessa ay hindi puwedeng magbuntis.

    Sa La Lola, magbubuntis ang role niyang si Sabrina, kaya solved ang problema ng staff.

    Lumaki na rin ang boobs at tumaba si Angelika, from 108 lbs., 122 na siya at mukhang lalaki pa dahil malakas  kumain.

    Sa March 24 next year niya isisilang si baby Gabriel at sa November 27 ang baby shower niya sa Punchline.

    Playpen ang bigay ng friends niya, double breast pump worth P25,000 ang bigay ng La Lola at three-in-one stroller naman ang bigay ng UKNA, na more than P20,000 din daw ang halaga.

    Kailan siya babalik sa showbiz after manganak?

    “Anytime na puwede na akong magtrabaho, balik agad ako’t may two shows pa ako sa GMA-7. Nagti-take ako ng vitamins na pampakapit at folic acid at magbi-breast feed ako,” sabi nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here