Angelica Panganiban pumatol sa mga bashers

    680
    0
    SHARE
    “Beast mode” ang komento ng netizens kay Angelica Panganiban matapos itong magtaray sa kanyang bashers last Tuesday nang akusahan siyang pinariringgan si Bea Alonzo dahil sa mga larawang in-upload niya sa Instagram account.

    Ang unang post ni Angelica ay isang larawan kung saan ay makikita siyang naglalakad sa gitna ng kalsada.

    Ang nasabing larawan ay may caption na: “Dahil puro trabaho at walang bakasyon… Kunwari na lang nasa ibang bansa ako… At makikiuso ako sa mga pictorial nila kapag out of the country sila, may posing dapat na naglalakad. Later na ’yung tumatawa kunwari tapos nakunan ng camera. Kunwari stolen happiness.”

    Pangalawang picture na in-upload niya ay nasa isang boutique siya, tumatawa at may caption na: “Sabi ko sa friend ko, picturan n’ya ko. Eh, bigla akong natawa. Naisip ko, ayos lang. Post ko na din. At least d ako may hawak ng phone ko habang tumatawa whoooh yes! Ang saya magpicture! Nakakatawa!!! ’Yan ang tawag sa stolen happiness hehehehe.

    “Nakakabaliw talaga ang pagod at puyat. Mag-iisip pa ’ko mamaya ng mga uso sa Instagram. Para in na in ako! #NowInHawaii” Dahil dito ay marami ang nag-isip na si Bea ang pinariringgan niya dahil may mga larawan ito sa IG ng mga travel nito with boyfriend Zanjoe Marudo.

    Bale ba, sa pangalawang larawan ay para ngang ginagaya niya si Bea na may picture na tumatawa habang hawak ang cellphone.

    Tila ikinairita ni Angelica ang mga sinabi ng netizens na pinariringgan niya si Bea kaya naman sumagot siya at hindi napigilang magmura at magtaray.

    “Nakakaloka mga tao! Sarap n’yong murahin! Tinatamaan kayo sa caption ko? Eh, mga bobo pala kayo, eh. Ni hindi ko nga nakikita mga post ng ibang artista na ganyan! Pakelam ko kung may ganyan si Bea? Sa huling pagkakaalam ko, kaibigan ko siya.

    “Mga gago kayong madudumi ang utak na gustong gusto n’yong may kaaway mga tao. Kaya ang baduy ng ugali n’yo, eh. Paka cheap. Leche. Whew! Oo! Papatol talaga ako. Grabe, eh! Kikitid ng utak! Nakikitawa na nga lng kayo, maninira pa kayo. Wooh! T…ina talaga! So mga idol nyo lang pwedeng gumawa niyan?! T…na! Gago! Bobo!” pagtataray ni Angelica sa kanyang post.

    Minura rin niya ang isang basher ng PI na naging dahilan ng kanyang pagkapikon. Post pa niya, “T…na! Nainip lang ako, kung ano ano na comments niyo?! Mga peste kayo!”

    Maya-maya ay nag-repost si Angelica ng picture ni Bea mula sa IG ng aktres na sinabi ngang ginagaya niya kung saan ay nakatawa ito at may hawak na cellphone.

    “Ah! Eto pala ’yung picture! Pasensya na sa mga fans ni bei. Sa mga malalawak ang isip, pasensya na. At salamat. Sa mga makikipot, sana ’wag kayong mga praning. Malala na kayo.

    “Sa mga nagsasabing gusto ko magpasikat kaya ko siya ‘pinaparinggan’ wala akong planong sumikat. Ni minsan d ko pinangarap na sumikat. Ang gusto ko lang magtrabaho. Ayoko ng sikat, ayoko ng hinahabul-habol. Gets?

    “Sa pagkakaalam ko, kaibigan ko si Bea. ’Yun ang tingin ko sa kanya. Anyway. Napakabaduy na nitong pagpapaliwanag na ’to nang dahil lang sa gusto ko lang mag-post ng kakulitan ko. If you guys can’t get my sense of humor, then stop following me. Malayong malayo ho si Bea sa akin. Siya ang reyna ng abscbn. Chuwariwap lang ako.

    “Okay na po ba? Malinaw na? Para lang ’to sa mga makikitid ang utak uulitin ko. At uulitin ko, wala akong pakelam sa image ko o sa tingin n’yo sakin.

    “’Pag may d ako gustong tao, sasabihin ko. Ikkwento ko pa kung bakit. Pero ’pag may kaibigan akong, pinaglalaruan niyo kami at parang sinisira n’yo kami. Magsasalita ako. Salamat,” ang caption ni Angelica sa larawan ni Bea.

    Marami ang natawa sa mga pagtataray ni Angelica at ang comments nga nila, nasa beast mode ang kanilang idol at hardcore raw ito.

    May mga nagsabi ring huwag na lang patulan ang mga basher pero ang karamihan ay agree naman sa pagtataray ni Angelica’t gustung-gusto raw nila ang pagiging totoong tao nito.

    Ang latest kahapon, nag-post si Angelica ng screen shot ng kanyang account na nagri-request umano siya ng change of password.

    Ang sey niya sa caption: “Guyssss, pinapahanap ko na kung sino ang gumagawa nito. Ang baho ng trip niyo men. Ang gusto ko lang magpasaya araw-araw. Kung ’di ko kayo napapasaya, isa lang ibig sabihin nu’n. Bitter ka sa life. Ipapatumba ko kayo isa-isa sa mga tauhan ni Madam Claudia. Bang bang!”

    Si Madam Claudia ang mataray na karakter na ginagampanan ni Angelica sa ABS-CBN series na Pangako sa ’Yo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here