Angelica Panganiban diring-diri sa kanyang katabaan

    325
    0
    SHARE

    Mapapahamak po ako, so hindi ko po siya puwedeng sagutin,” deklara ni Angelica Panganiban nang kunin ang kanyang reaksyon sa presscon ng pelikulang “Beauty In A Bottle” dahil sa pagkakadawit niya sa kasong ‘concubinage’ ni Derek Ramsay.

    Ang naturang reklamo ay isinampa ng dating asawa ng aktor na si Mary Christine Jolly.

    Anyway,ginagampanan ni Angelica sa “Beauty in a Bottle” ang role ng isang aktres na tumaba at binabatikos siya dahil dito. Bagamat malaki na ang ipinayat ng aktres nang makita namin siya sa taping ng ‘Banana Split: Extra Scoop,” nagamit pala niya sa naturang pelikula ang katabaan niya dati.

    Hindi ba siya na-offend na ibinenta sa istorya ng pelikula ang mabigat niyang timbang? Nagbiro siya na nagpataba siya para sa role at wala siyang ka-effort-effort na ginampanan ito. Mas naging hamon sa kanya kung paano ang magpapayat.

    “Kasi, ‘yun ako, eh. Ako ‘to, e. Choice ko ‘to. I mean, ngayon gusto kong kumain, mag-enjoy, ayokong mag-makeup, eto ang gusto ko.

    Katawan ko ‘to. So, kung hindi mo ‘to trip, kung hindi mo gusto, eh ano naman? Hindi rin naman kita gusto. Ha! Ha! Ha! So pantay lang, ‘di ba? It’s a tie,” deklara niya na kung saan ay binibigyan daw niya ng pagkakataon ‘yung iba na i-bash siya.

    “So, kapag nag-ayos ako, teh, sobra ko namang ganda. Parang next to God na ‘yung kagandahan. So medyo binibigyan ko lang ‘yung iba na medyo i-bash ako. So, ‘yun ang ginagawa ko, nagpapakumbaba lang ako.

    Pinapakita ko lang na God is fair. Kaya minsan, hindi talaga ako nag-aayos, nagde-dress down ako. Kasi, ‘pag tinodo ko day, inggit kayong lahat.”

    Aminado rin si Angelica na minsan nasasaktan siya at may impact ‘pag pinupuna ang katabaan niya.

    Nagpasalamat pa nga siya na may pelikulang “Beauty In A Bottle” dahil nalulusutan niya ‘yung katabaan niya.

    Actually, nandiri rin siya sa katabaan niya nang makita niya ang sarili niya kaya nagpapayat din siya.

    “Nu’ng nakita ko naman ‘yung sarili ko, nandiri na ako. ‘Ay shit, ang taba!’ Ha! Ha! Ha!Napamura ka talaga na, ‘Ano ‘yan?? Anong nangyari??!’ Ganu’n!,” sambit pa niya.

    Kasama pa niya sa “Beauty In A Bottle” sina Angeline Quinto, Assunta De Rossi , Tom Rodriguez,Ellen Adarna at Empress . Handog ito ng Quantum Films at Skylight Films. Showing na sa October 29. Ito ay sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here