Nag-trending sa Twitter si Arnold Clavio (number 2) kahapon dahil sa comment niya sa Unang Hirit tungkol sa harassment case ng Azkals.
May sumang-ayon sa opinion ni Arnold, may nagalit at may nag-akusang racist ang pahayag.
Sabi ni Arnold: “Sana nag-sorry, sorry na lang talaga, ’di ba… na ’di ko kayo ka-kultura, kaya wala dito (itinuro ang dibdib at ulo) ’di naman kayo Pilipino, nagpapanggap lang kayong kayumanggi hindi kayo dito lumaki. Mahirap ’yan.”
Galit ang fans ng Azkals kay Arnold at pati ilang artistang friends ng Azkals team ay nag-react sa Twitter.
Maging si Angel Locsin, rumored GF ng Azkals player na si Phil Younghusband, nag-tweet ng: “I think arnold clavio’s a good person. But this time, sobrang foul lang. “That’s his opinion.
This is mine. Madali lang sumira ng reputasyon, mahirap ibalik. Konting sensitivity lang sana.”
May isa pang Twitter user na sinagot ni Angel ng: “hindi naman po isang tao lang ang azkals. At hindi naman po yung issue yung pagiging Pinoy nila. Unfair po yun.”
Hintayin natin today ang reaction ni Arnold sa UH at kung totoong nag-sorry siya sa Azkals sa kanyang pinahayag kahapon.
As of this writing nag-sorry na si Arnold and has fully realized na padalus-dalos ang kanyang opinion.