Angel Locsin, Luis Manzano tahimik sa kanilang hiwalayan ek

    365
    0
    SHARE
    Ilang araw na itong tsismaks na hiwalay na sina Luis Manzano at Angel Locsin. Pero walang anumang detalyeng lumabas tungkol sa naturang hiwalayan.

    Kapuwa  wala pa ring pahayag sina Angel Locsin at Luis Manzano sa balitang hiwalay na sila. Dinededma nila pareho ang issue at talagang nakabibingi ang katahimikan nila.

    May duda tuloy ang marami na baka sinadya lang nila ito to prolong the speculations dahil nga kailangan kapuwa nina Angel at Luis ang publicity mileage—si Angel, wala na kasing Only You na baka nga naman matabunan ng ibang isyu  kahit na super success pa ang katatapos nitong Only You, si Luis naman, may pelikulang malapit nang ipalabas na talagang dapat na ipagbanduhan, kung hindi siya mismo ay malilibing sa kasikatan ng kanyang inang si Vilma Santos at ng super sikat na si John Lloyd. Compared to the two, si Luis ang pinakakulelat sa tatlo, kaya dapat talagang magkaroon ito ng isyung mapag-uusapan.

    And could be more exciting than sa hiwalayan blues nga nila ng katipan? Palagay kaya ninyo, kung ganyang walang ek sina Angel at Luis, hindi kaya sila mapag-iwanan sa mga usapin?

    Ayaw na naming pumusta, pero hindi kaya manatiling tsismis lang ang hiwalayan blues at kapag nag-die down na’ng mga issue ay tapos na ang break up nila?

    Mas maganda, hindi po ba?

    Marami nga ang nag-hintay na baka magsalita si Luis last Saturday sa Entertainment Live pero natapos at natapos ang show na wala tayong narinig mula sa young actor. In fact, parang okay naman siya dahil tumatawa pa rin siya and the usual Luis na mapagbiro.

    Si Angel naman, ang huling narinig namin mula sa kampo niya ay ang hindi niya pagkakatuloy sa Florida para sa show sa ating mga TFC subscribers dahil hindi na-release ang kanyang working visa at dinedma rin ang issue ng hiwalayan.

    Maraming speculations tuloy ang lumalabas at isa na nga rito ay ang hinalang may third party sa splitup sa parte ni Luis.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here