Angel Locsin loser sa Emmy

    77
    0
    SHARE
    Kahapon ng umaga ay nagpadala na ng text messages ang manager ni Beck Aguila sa kanyang mga kaibigan sa press. Nasa New York si Becky kung saan ginanap ang 37th International Emmy Awards.

    “Julie Walters won,” ang maikli niyang mensahe.

    Ang nasabing akres ay isa sa mga nakatunggali ni Angel bilang Best Actress sa nasabing award-giving body para sa seryeng A Short Stay in Switzerland ng United Kingdom.

    Si Angel naman ay nominado para sa kanyang seryeng Lobo ng ABS-CBN.

    Hindi man nasungkit ng aktres ang award, at least ay masaya siyang uuwi dahil isang malaking karangalan na para sa kanya ang mapasama sa nominado at ma-experience ang dumalo sa isang international awards night.

    Prior sa awards ceremony, ang Pilipinas ay may tatlong nominasyon. Angel Locsin was nominated as Best Actress for her performance in Lobo, while ABS-CBN’s Kahit Isang Saglit (A Time For Us) and GMA-7’s Magdusa Ka got the nod for Best Telenovela.

    Si Julie Walters ang nanalo ng Best Actress for her performance in A Short Stay in Switzerland. Walters is best known as Mrs. Molly Weasley in the Harry Potter movie franchise. Kasama rin siya sa pelikulang Mamma Mia!.

    Nomiando rin sina Emma De Caunes for Night Birds (France) and Cecilia Suarez for Capadocia (Mexico).

    Meanwhile, the award for Best Telenovela went to Brazil’s India: A Love Story.

    British actor Ben Whishaw took home the Best Actor award for his performance in Criminal Justice.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here