Angel Locsin ‘itinakwil’ ng Vilmanians

    317
    0
    SHARE
    May problemang malaki sa mga natitirang fans nina Nora Aunor at Vilma Santos.

    Para lang maipakita yung blind support nila sa kanilang mga idolo, handa silang maging bastos, mag-astang walang pinag-aralan at higit sa lahat, mang-away ng mga taong ginagawa lang ang trabaho sa mundo ng showbiz.

    Nandoon na kami, mahal nila’ng mga idols nila. Kahit umabot na sa puntong puwede nang tawaging laos sina Vilma Santos at Nora Aunor, ayan pa rin ang mga loyal fans na umabot sa edad na ng kanilang idolo pero kung umasta, wala silang pinagtakantandaan.

    Yang Vilmanians na yan, lagging nambabastos ng okasyon kung saan nandoon ang idol nila.

    Many many years ago, mga eighteen years na siguro, dumalo sila sa isang affair pero walang patumanggang hiyawan ang ginawa nila na halos mabastos na’ng lahat nang naroon dahil sa wala nilang patumanggang tili.

    Marami pang beses kaming napuntahang functions na nandyan sila pero lagi na, bastos ang dating nila. Tuloy, nakakawalang-gana na pati si Gov. Vilma ay aayawan mo na dahil di yata tinuturuang umasta nang tama ang mga fans niya.

    Di ba, sa nakaraang 25th Star Awards For Movies, habang pinararangalan si Nora Aunor, kung anik-anik na chant ang ginawa nila. Pumatol naman ang Noranians kaya ayun, nagging napakagulo ng proceedings.

    Anyway, kailan kaya matantaggap ng dalawang grupo ng mga fans na napaglipasan na ng pahahon ang mga idol nila. Na kung tutuusin, parehong malaki ang naiambag ng dalawang sikat na artista sa showbiz. Kumbaga, pareho silang bayani ng industrya. Na wala naman talaga silang dapat pag-awayan lalo na nga nayong gurang na kapuwa sina Vilma Santos at Nora Aunor. Bigyan na nila ng dignidad ang kinalalagyan ng nag-iisang Superstar at Star For All Seasons. Na wala na sila sa edad, lalo nga’t halos lahat silang mga fans ay lampas singkwenta na’t hindi bagay tumitili pag andiyan ang mga idols nila.

    Anyway, nabuksan lang kasi ang topic tungkol sa mga fans na ito ay dahil nga sa isyu nila against Angel Locsin who recently attended a script reading affair ng Himala ni Nora Aunor. For simply saying na nag-iisang superstar, na siya namang totoo, si Nora Aunor, aba, sa ngayon binobomba ng puna ang aktres. Na kesyo hindi raw niya dapat ginawa yun dahil bibiyenin pa naman niya si Vilma.

    Sa true lang, totoo namang nag-iisang superstar si Nora Aunor, hindi ba?

    In the same manner na nag-iisang Star for All Seasons si Vilma Santos.

    So far, ganito ang depensa ni Angel sa pagtatanggol niya sa sarili niya laban sa akusasyon ng mga  Vilmanians na ito.

    “Pasensiya na po, ayoko po na may ma-offend or ma-hurt ako lalo na pagdating kay Tita Vilma,” simula ni Angel. “Bago ko ginawa yun , kinausap ko si Luis talaga. Alam naman nilang nasa puso ko si Tita.

    “Sa akin lang, mayroon tayong Superstar, mayroon tayong Megastar [Sharon Cuneta], mayroon tayong Diamond Star [Maricel Soriano], at mayroon tayong Star For All Seasons. Para sa akin, bilang baguhang artista, kailangan ko talagang magbigay ng respeto at tribute dahil sila ang nagsimula ng drama talaga sa atin. Sila talaga yung pinaka-peg natin.

    “Nag-good evening ako sa kanila. Sinabi ko na, ‘Gagawin ko kung anuman ang makakaya ko ngayong gabi para magbigay ng tribute sa nag-iisang Superstar, si Ms. Nora Aunor. Pero alam kong hindi ko ito mapapantayan.’ Yun ang mga sinabi ko,” lahad niya.

    So there!


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here