NORZAGARAY, Bulacan—May sapat na tubig inumin ang kalakhang Maynila at patubig ang magsasakang Bulakenyo sa kabila ng patuloy na pag-init ng panahon ngayong taga-araw.
Ngunit ayon kay Inhinyero Rodolfo German, ang general manager ng Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp) ng National Power Corporation (Napocor), hindi dapat malimutan ang pagtitipid sa tubig.
Batay sa tala ng Arhepp noong Biyernes, Abril 29, umabot na lamang sa 193.60 meters above sea level (masl) ang tubig sa dam.
Ito ay mas mataas ng isang metro sa lower rule curve ng water elevation sa Angat Dam. Ang lower rule curve ay ang ideal na water elevation sa dam sa katulad na panahon.
Kumpara naman sa katulad na panahon noong nakaraang taon, ang 193.60 masl na naitala noong Biyernes ay higit na mas mataas dahil noong Abril 12, 2010 ay sumayad ang water elevation sa kritikal na 180 masl kaya’t pinutol ang alokasyong patubig sa magsasakang Bulakenyo.
Dahil naman sa nanatiling mataas ang water elevation ng tubig sa dam, sinabi ni German na umaabot sa 50 cubic meters per second (cms) ang alokasyon para sa kalakhang Maynila, at 3 cms naman sa mga magsasaka.
Ang mababang alokasyon sa magsasaka ay kaugnay ng katatapos na anihan ng palay sa Bulacan at Pampanga na nangangahulugan na kaunting tubig na lamang ang kailangan ng mga magsasaka dahil iilan na lamang ang may natitirang palay na aanihin.
“Walang dapat ipangamba ang Maynila sa taong ito dahil sapat ang tubig natin,” ani German at iginiit pa na posibleng mas maaga ang dating ng tag-ulan sa taong ito batay sa pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa).
Batay sa unang pahayag ng Pagasa, posibleng pumasok ang La Niña phenomenon sa taong ito na tinatampukan ng mas malalakas at mahabang pag-ulan.
“Nau-uulan na rin dito, as a matter of fact, tatlong sunod na araw nang umuulan,” ani German.
Sa kabila ng pagkakaroon ng sapat na tubig para sa kalakhang Maynila, sinabi ni German na dapat ding isagawa ang pagtitipid sa tubig.
“Hindi ngayon na maraming tubig ay sige-sige lang tayo sa paggamit, dapat magtipid at maghanda ng rainwater harvesting system na maipangsasahod sa tubig sa panahon ng tag-ulan,” aniya.
Matatandaan na noong nakarang taon, ilang bahagi ng kalakhang Maynila ang kinapos ng tubig inumin dahil sa pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa 158 meters above sea level, ang pinakamababang water elevation na naitala sa kasaysayan ng 43 taong gulang na dam.
Ang pagbaba ng tubig sa dam ay hatid ng mahabang taga-araw dulot ng El Niño phenomenon o ang kawalan ng ulan sa mahabang panahon.