Ang sa iyo tangi naming alay

    397
    0
    SHARE

    MALIGAYANG araw ng iyong pagsilang
    ‘Nanay Baby’ ang pagbating sa’yo alay
    ng ‘local media’ at mga kapisanan
    ng manunulat na mga Kapampangan

    Partikular mula r’yan sa mas kilala
    sa ‘acronym’ nilang tawag ay AGTACA,
    kung saan ang aba n’yong kolumnista
    ang pangulo pati ng samahan nila

    At nagsusumikap na mapanatiling
    buhay ang kulturang pamana sa atin
    ng mga ninuno nating magagaling
    sa paghabi riyan ng magandang tulain

    Kabilang d’yan sina Crissot ng Bacolor,
    Jose M. Gallardo, Amado M. Yuzon
    ng Candaba’t Guagua; Delfi n T. Quiboloy
    at Diosdado M. Macapagal ng Lubao.

    Kung saan pati sa pinilakang tabing
    ang bayan ng Lubao ay nakilala rin
    kina Dela Rosa; at taga Lubao ding
    kapwa naging bantog na Pangulo natin

    Na dili’t iba ay ang mag-amang Dadong
    at Gloria; liban kay naging ‘Vice Governor
    Cielo M. Salgado at ang ‘talk of the town’
    nating ‘Nanay Baby’ bilang Gobernador.’

    At kung saan bilang ‘Ina ng probinsya’
    na napakasipag, ginagampanan niya
    ng buong puso ang serbisyong dapat na
    ipagsilbi para sa taga Pampanga.

    At kung puede nga lang gusto ng marami
    ay siya’ng sa Capitol lubos manatili,
    ang katulad d’yan ng ating ‘Nanay Baby’
    na talaga naman ding kapuri-puri.

    Madaling lapitan ng kahit na sinong
    mayrung opisyal na lakad sa Capitol,
    dahilan na rin sa ating Governor
    ay tunay naman ding lubhang ‘approachable’.

    Di gaya ng ibang nasa katungkulan
    na madalang pa sa kidlat sa tag-araw
    kung sila’y datnan sa kanilang tanggapan,
    pero kakaiba siya’y ganap na mapanaligan.
    .
    Ganyan kalingap ang ating ‘Nanay Baby’
    sa lahat kung kaya dalangin parati
    ng mga Kabalen, ang ‘health’ niya pati
    sana sa lahat ng oras ay mabuti

    Nang sa gayon ang matapat na serbisyo
    ng ‘Nanay’ ng lahat na ng Pampanguenio
    manatiling buhay sa probinsya nito
    hangga’t nakaupo siya sa Kapitolyo.

    ‘NANAY’ wala kaming tanging mai-alay
    sa masayang araw ng iyong pagsilang
    kundi ang dalanging sana marami pang
    mga ‘Happy Birthday’ ang sa’yo daratal.

    ‘Happy, happy birthday’ Gov Lilia Pineda
    at ‘Nanay Baby’ ng lahat sa Pampanga,
    loobin nawa ng ating Diyos Ama
    at ng kanyang Anak ang patnubay Nila.

    Sa isang tulad ng ating ‘Nanay Baby’
    na wagas at tapat kung siya’y magsilbi
    sa kalalawigan at napakarami
    n’yang natutulungang mga istudyante!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here