Patuloy na isinusulong ng Ang Probinsyano Party-List ang infrastructure development sa mga kanayunan upang mabilis na makabawi mula sa pandemya.
Noong nakaraang linggo (March 2 and 3, 2022), pinangunahan ni Ang Probinsyano Party-List Rep. Edward Delos Santos ang groundbreaking ceremony para sa tatlong multipurpose buildings na pinondohan ng partido.
Isa dito ang multipurpose building sa Pudoc East Elementary School sa bayan ng Tagudin, Ilocos Sur, habang dalawa naman sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija.
Labis ang kagalakan ng mga guro sa Pudoc East Elementary School sa itatayong building para sa anila’y mahihirap nilang mga estudyante.
“We did not expect this to come, with this situation, at this time. Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng naging instrumento upang ito ay magkatotoo – sa local government unit through our very own Mayor Roque Verzosa, sa tulong at pagpondo ng Ang Probinsyano Party-List,” ayon kay Femalyn Lano, principal ng Pudoc East Elementary School.
Ayon naman kay district supervisor Marites Padiwan, ang party-list ay instrumento para sa kaginhawaan ng mga guro, mag-aaral at mga kawani ng barangay.
Nagpahayag din ng pasasalamat sa Ang Probinsyano Party-List ang mga lokal na opisyal ng San Antonio, Nueva Ecija sa pangunguna ni Mayor Arvin Salonga, para sa ipapatayong covered court na pwede ring evacuation center sa Barangay Maugat, at sa day care at senior citizens’ center sa Barangay Panabingan.
“Sa laki ng Pilipinas, hindi tayo nakakalimutan ng Ang Probinsyano Party-List,” aniya.
Ayon naman kay Ang Probinsyano Party-List Rep. Delos Santos, ang mga multipurpose buildings ay testamento sa dedikasyon ng kanilang party-list sa mga estudyante at sa pag-unlad ng mga malalayong lugar.
“Makakaasa po kayo na ipagpapatuloy namin ang aming mga proyekto kasabay ng pagsusulong namin ng patas na oportunidad para sa lahat ng mga probinsyano,” ayon kay Delos Santos.
Mula nang maupo sa pwesto noong 2019, isinusulong na ng Ang Probinsyano Party-List ang infrastructure development.
Pinondohan nito ang pagpapatayo ng 69 multipurpose buildings / evacuation centers, 23 ospital at opisina, at 189 kalsada at preventive maintenance projects.
Naniniwala ang partido na ang mga istrukturang ito ay magdudulot ng market activities na makakatulong sa ekonomiya ng bansa.