Home Headlines “Ang maglakad ng matulin, kung matinik ay malalim”

“Ang maglakad ng matulin, kung matinik ay malalim”

912
0
SHARE

Matapos ang halos limang buwan na ngayon
mula maupo sa Palasyo si Bongbong,
pero wala pa rin yatang pagbabagong
naipamalas ang ating bagong kampeon.

Kung saan ang tila napagtuunan niya
ng matamang pansin ay ang dili’t- iba
magkaisa ang ‘pink, dilaw at ang pula,
na ‘uni-team’ itong matatawag sana.

Kaya lang sa puntong naturan posibleng
negatibo para sa nakararaming
naniniwala na si Bongbong ang tanging
lunas sa lahat ng pinapasan natin.

Gaya halimbawa ng grabeng korapsyon,
nakawan, pastilyas diyan sa “Immigration,
at lagayan pati sa ‘Bureau of Customs,’
yan ay dinatnan na r’yan ng ating Idol.

At di pa matukoy ng ating Pangulo
kung sino riyan itong matino at bobo,
lalo ang kawatan hangga’t hindi nito
makilalang lahat ultimong sereno.

Hindi ang katulad nitong hindi pa man,
ang ating si Bongbong hinatulan na riyan
na hindi umano niyang kayang tularan
si Apo Lakay sa tatag niya’t husay?

Bigyan muna natin ng kaunting panahon
ang kagalang-galang na pangulong Bongbong
para maisagawa n’yan ang pagbabagong
ninanais niyang sa bansa isulong.

At huwag patangay sa grabeng paninira
ng oposisyon at iba pang ika nga
na wala rin namang buti pang nagawa
na dapat tanawin nitong taong-madla.

Ano pa bang dapat hanapin kay Bongbong
ng mga ubod ng galing na ‘detractors’
niya na bunganga lang ang lubhang maugong
‘But nothing could extend for our dearest nation’.

Partikular itong “nganga riyan ng nganga”
na si Leni, porke nasa ibang bansa
ay ubod ng tapang d’yan kung magsalita
ng mga bagay na di nakatutuwa.

At sa kanya na ring sarili kung minsan
bumabalandra ang pangit na larawan
ng pagkatao niyang naging pangalawang
pangulo ng bansa ang ‘subject’ na ginang.

Ano sa akala ni Leni Robreado,
makabalik pa rin siya sa Palasyo
bilang isang lider na halal ng tao,
na isinuka na ng marami mismo?

Mga salita na di katanggap-tanggap
sa pandinig ng marami hindi dapat
‘in public’ ay ating iwasang ihayag,
pagkat kataksilan itong matatawag.

At imbes ang taong pinatutungkulan
natin halimbawa ang siyang tamaan,
tayo rin naman ang pihong masasaktan
kapag ang winika natin ay boomerang!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here