Ang lungsod ng Angeles sa kamay ni Mayor Ed

    447
    0
    SHARE

    MAGANDA at pihong papuri’y daragsa
    Kay Mayor sa kanyang planong ipagawa
    Sa may paligid ng munisipyong luma,
    Na inaasahang magbibigay sigla

    At makapadulot ng ibayong ningning
    Sa kapaligiran ng Poblacion na rin,
    Na ayon sa kanya ito’y magsisilbing
    Pinaka-parke o plazang maituturing

    Ng Angeles city, partikular na riyan
    Ang ‘heritage district’ na kinakailangang
    Pasiglaing higit sa kasalukuyan
    Upang maging isang magandang pasyalan.

    Nitong taga lungsod ng Angeles mismo,
    Mga turista at negosyante rito,
    Na gustong mamasyal kung araw ng linggo
    At makatikim ng lutong Angeleño.

    Na kung saan tuwing ‘weekend’ papayagan
    Ng city government na makapaglagay
    Sa may harapan ng Museo’t Simbahan
    Ang nagtitinda ng mga kakanin diyan.

    At para magawa ng husto ni Mayor
    Ang ‘beautifi cation’ para sa Poblacion,
    Itong naghambalang na kable at kordon
    Sa lugar na yan ay kailangang ibaon

    Nang sa gayon itong parang spaghetti,
    Na ‘telephone wires’ at kable ng kuryente,
    Na nakakabit sa itaas ng poste
    Ay mawala na sa’ting paningin pati

    At mapaganda ni EdPam ang paligid
    Ng ‘downtown’ lalo na ang ‘heritage district’
    Sa pamamagitan ng pagpapaalis
    Sa ilang ‘structure’ na nakapapangit.

    Mula sa Pamintuan Mansion luluwangan
    Ang kalsada hanggang sa may panulukan
    Ng Sto. Rosario at daang Magalang,
    Pati ang harapan mismo ng Simbahan.

    At ang bahagi ng Sapang Balen pati
    Sa gawing malapit sa City Library
    Ay ‘concrete slab’ ang siyang magsisilbi
    Na magpapaluwag sa dakong nasabi.

    Kung saan ang bakod sa gawing kaliwa
    Ng Museo’t dakong malapit sa sapa
    Ay aalisin din (pati ‘Stage’ yata)
    Na nasa gilid ng ‘city hall’ na luma.

    Kasama sa mga tiyak na gigibain
    Ay ilang ‘business space’ sa may parting
    Likuran ng dating ‘municipal building,’
    Na ngayon ay siyang Museo pa mandin.

    Na inaasahang nitong unang linggo
    Ng Nobyembre puedeng masimulan ito;
    Aywan lang kung bago sumapit ang Pasko
    Ay matatapos ang naturang proyekto.

    Pero siguradong ang plano ni Mayor
    Ay syento porsyento namang matutuloy,
    Kung kaya sa lalong madaling panahon,
    Gaganda ng husto ang buong Poblacion

    Na inaasahang sa Angeles city
    Ay paglagong lalo ng turismo pati
    Liban sa posibleng higit pang darami
    Kaysa dati itong dito namimili!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here