‘Ang gusto kong regalo’

    1078
    0
    SHARE
    Panahon na naman ng Kapaskuhan, ang banal na araw ng pagsilang ni Jesus Christ. Panahon ito ng pagma-mahalan, pagpapatawaran, pagbibigayan at pagsasa-ma-sama ng bawat miyembro ng pamilya.

    Bata man o matanda ay talaga namang inaabangan ang araw na ito. Pero anu-ano ba ang Christmas wishes at regalong gustong matanggap ng inyong paboritong stars ngayong Kapaskuhan?

    At sinu-sino ba ang mga taong espesyal sa kanilang buhay na gusto nilang regaluhan ngayong Pasko at anong regalo ang nais nilang ibigay?


    Sarah Geronimo

    “Wala naman po kasi akong specific gift na gustong matanggap ngayong Kapaskuhan. Siguro kung ano ‘yung matanggap ko, okey na ‘yun as long as galing sa mga taong espesyal sa akin. Wala na siguro akong mahihiling kay Lord, kasi sa daming blessings na natatanggap ko, kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya.”


    Sunshine Dizon

    “Regalo? Ano nga ba? Sa materyal siguro wala na, kasi kuntento na ako kung anong mayroon ako. Si-guro lang good health sa akin at sa pamilya ko. Medyo sakitin ako kaya ‘yun ang gusto kong gift. Ang Christmas wish ko? Peace and Prosperity sa lahat.  Para naman sa sarili ko, peace of mind and more projects to come sa acting at recording!”

       
    Cristine Reyes

    “Regalo para sa sarili ko? Siguro wala na! Kasi kuntento na ako sa daming blessings na dumating sa akin. Ang wish ko sana magtuluy-tuloy  ang papagandang takbo ng career ko at sana maging masaya ang lahat ng tao sampu ng aking pamilya sa darating na Kapaskuhan.”


    Rainier Castillo

    “Wala na siguro akong ma-hihiling pang regalo para sa sarili ko ngayong Kapaskuhan, kasi sobra-sobrang regalo na ‘yung ibinigay sa akin ni Lord.   Ang wish ko? Wala na rin  si-guro!  Kasi,  kung ano ang mayroon ako ngayon kuntento na ako at kung  ano pa ‘yung darating sa akin alam kong bigay ‘yun ng Diyos. Halos lahat kasi ng wish ko ay natupad na.”


    Chariz Solomon

    “Ang gusto kong matanggap na regalo ‘yung I-Phone.  Matagal ko na ka-sing gustong magkaroon ng I-Phone.  Sana ay  may mag-regalo sa akin! Ang wish ko? Peace and Prosperity para sa lahat ng  Pilipino! Good health sa buo kong pamilya at maraming projects.”


    Sheena Halili

    “Regalo, ano ba? Siguro brand new watch katulad last year. Mahilig kasi akong mag-collect ng iba’t ibang klase ng relo. Wish ko? Sana ‘wag nang dumanas ng sakuna ang Pilipinas at sana maging maligaya ang Pasko ng lahat ng Pinoy hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo at mag-continue sana ang pagdami ng projects ko. Balak kong pumasyal sa Home For The Aged at bigyan sila ng munting regalo. Gusto ko kasing iparamdam sa kanila na kahit papaano may nakakaalala sa kanila ngayong Pasko at handang magbigay ng pagmamahal.”


    Vivo Ouano

    “Regalo?  Sana regaluhan  ako ng GMA-7 ng bagong soap opera, nami-miss ko na kasing magkaroon ulit ng soap opera. Wish ko  sana mas maging maganda ang takbo ng career ko.”



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here