Hindi dapat mabaon sa limot ang Ampatuan Massacre, ngunit hindi rin dapat mabaon sa limot ang pagbabanta ni Porac Vice Mayor Dexter David sa buhay ng mga mamahayag dito sa Pampanga.
“Sabihin mo sa reporter mo, huwag muna siyang gagawi dito sa Porac at baka may masamang mangyari sa kanya.”
Ito umano ang sinabi ni David kay Jovi De Leon, editor ng Sun Star Pampanga patungkol sa mga isinulat ng reporter na si Cha Cayabyab sa pahayagan. Isa si Cayabyab sa mga nagcover ng rally laban sa mga babuyan at manukan sa Porac na matagal ng inirereklamo ng mga residente at mga madre na nakatira sa barangay Paralaya at Sta. Cruz.
Ang masamang amoy ng dumi ng mga baboy at manok na nalalanghap ng mga residente sa nasabing mga barangay ay nagdudulot ng ibat ibang mga malulubhang sakit lalung-lalo na sa mga bata.
Nagbanta din umano si David sa isang brodkaster ng GVAM na pagbabarilin niya ito kung hindi titigil sa mga komento sa radyo laban sa bise alkalde ukol sa isyu ng pananatili ng mga babuyan at manukan sa nasabing bayan.
Bagama’t marami ang nakadinig, paulit ulit namang itinanggi ito ni David sa harap ng ilang mga mamamahayag.
Ang mga ganitong kaso ng pagbabanta sa buhay ng mga mamamahayag ay naipag-bigay alam na sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at sa iba pang mga media organizations kagaya ng National Union of Journalists of the Philippines.
Ang pagbabanta ni David ay posibleng pag-usapan din sa Journalism Asia Forum 2010 ngayong araw na ito (November 23), ang unang anibersaryo ng Ampatuan massacre kung saan 58 na tao ang pinatay at 32 sa mga ito ay mga mamamahayag. Gaganapin ang forum sa Manila Hotel na inorganisa ng CMFR sa pakikipagtulungan ng Southeast Asian Press Alliance.
Ayon sa CMFR, mahalaga para sa mga mamamahayag sa Asya na magkaroon ng dayalugo at pagpapalitan ng mga ideya tungkol sa mga isyu na pinag-uusapan ng mga malalaking grupong pang-internasyunal.
Matatandaang 118 na mamamahayag ang pinatay mula 1986 nang muling maibalik ang demokrasya sa bansa. Ang 79 sa mga ito ay pinatay sa ilalim Arroyo administration kasama na ang Ampatuan Massacre.
Sa Journalism Asia Forum 2010, mahalaga na malaman ng buong mundo ang mga pagbabanta ni David sa mga mamamahayag. Ito ay dahil sa maaaring mangyari sa Pampanga ang nangyari sa Maguindanao kung hindi ito pag-uusapan at aaksyunan ng mga opisyles ng ating bansa.
Sa pag-alala sa anibersaryo ng Ampatuan Massacre, dapat ding alalahanin ang mga kaso ng pagpatay (murder cases) na hindi parin nasosolusyunan o nabibigyan ng hustisya. Isa na rito ang pagpatay sa Sisig Queen sa lungsod ng Angeles.
Maliban sa mga massacre, patuloy parin ang unti-unting pagpatay sa mga tao sa barangay Paralaya at Sta. Cruz sa Porac. Hindi lamang ako, kung hindi pati na ang maybahay ni Mayor Ed Pamintuan na si Aling Miniang ang nagsabi na sobrang baho sa mga lugar na ito dahil sa masamang amoy ng tae ng mga baboy at manok.
Sa kanyang pahayag sa Facebook, aniya: “This is the worst ever! Even if maka airconditioned naku, mas mabuluk! I don’t blame Kong Perto Cruz on his crusade!! Grabe kabuluk, what more deta pang mas malapit?? Maka migraine!”
Ito ang isa sa mga sinasabing naging dahilan ng pagkatalo ni Dr. Roger Santos sa pagka-alkalde. Ito rin ang ikasisira ng political career ng mga kasalukuyang nanunungkulan sa Porac lalu na ang mga protector ng piggeries at poultries.
Magkano ba ang ibinibigay ng mga may-ari ng poultries at piggeries sa inyo? Tunay na mas mahal nga ninyo ang mga baboy at manok kesa sa mga taong inyong dapat na pagsilbihan. Ugaling baboy? Utak baboy? Amoy baboy? Mukhang baboy? Kayo na ang bahalang humusga.
jaguilar.editor@gmail.com