Ambon ‘di hadlang sa pagbubukas X’mas lights

    427
    0
    SHARE
    ORANI, Bataan — Hindi mahulugang- karayom, ika nga, sa dami ng tao ang plaza ng bayang ito upang saksihan ang pagbubukas ng bonggang Christmas lights at palamuti Biyernes ng gabi.

    Patuloy ang pag-ambon ngunit hindi natigatig ang mga tao at sa halip ay naglabas ng mga payong habang masayang pinapanood ang TV comedian na si Ate Gay at isa pang talent sa kanilang pagpapatawa.

    Bumati sa kanilang mga kababayan sina Orani Mayor Efren Pascual, Jr., Vice Mayor Bong Galicia at 1st District Rep. Geraldine Roman na nakapayong.

    Hindi naman nasayang ang paghihintay ng mga tao nang sa ganap na alas-10 ng gabi ay nagsimula ang countdown sa pagubukas ng mga ilaw na nagsimula sa malaking belen sa harap ng munisipyo.

    Ang belen ay gawa sa mga indigenous materials tulad ng kawayan.

    Sumunod na umilaw ang magandang façade ng munisipyo kasunod ang tila matatayog na mga poste at iba pang bahagi ng plaza habang ang maraming tao ay nakatingalang lahat sa pagsaksi sa fireworks display habang maririnig ang awiting pamasko.

    Umilaw din ang tila gondola sa gitna ng plaza.

    Sa bungad ng plaza ay may nakatayong arko na may pangalang “Orani” na may pipikit-didilat na mga parol.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here