Aljur namamangka sa maraming ilog

    475
    0
    SHARE

    Linked kay Kylie Padilla si Aljur Abrenica and there was even the issue na malaya na’ng dalawa to tell the whole world na sila na.

    Pero ayaw tumigil ng isyu tungkol sa pambababae ni Aljur at lately, itong di umano, smitten siya kay Ritz Azul na nakasama niya sa isang awards night a few weeks ago.  “Nabasa ko nga ‘yung sinulat na binakuran ko raw si Ritz at halatang-halatang may gusto ako rito,” sabi niya.

    “After that night, hindi na kami nagkita. Ewan ko kung bakit binigyan agad ng ibang kahulugan ‘yung pakikipag-usap ko sa kanya. Kundi ko naman kinausap, I’m sure masusulat na in-isnub ko siya.”
    Wala pang dapat ipagselos si Kylie 

    “Wala pa kaming commitment. More like MU lang, we’re dating exclusively. Wala na akong dine-date na iba.”

    Takot siya sa tatay ni Kylie? “No, bakit naman ako matatakot kay Sir Robin? Wala naman akong masamang hangad sa anak niya. Nag-usap na kami and I told him he can trust me. Alam niyang lumalabas kaming magkasama as friends. Gusto kong ganun muna kami, ine-enjoy ang samahan namin as friends. Kaya lang, dito sa atin, makita lang kayo magkasama, ang conclusion agad, kayo na.”

    E yung isyung ilang beses nang nakita si Kylie na kasama niya si Kylie sa Pampanga?

    Walang sagot si Aljur, tila di siya handang aminin ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here