Formal announcement na lang ang kulang at officially on na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Kung noon, maraming bawal at maraming ek tungkol sa relasyon nila, ngayon puwede na silang magsalita ng mga totoong nangyayari sa kanila. We just wish na sana bigyang-laya na rin ni Aljur na sabihin ang katotohahan sa kanila ni Rich Asuncion.
This would all set them free at wala nang hahalukayin pa’ng mnedia sa kanilang mga pinagdaanan. Isa pa, mawawala ang negatibong impression na playboy si Aljur dahil malinaw noon na si Rich ang kanyang special girl.
Si Kylie Padilla ngayon, mas masarap kausap dahil walang itinatago at walang bawal itanong at lahat ng tanong ay sinasagot na. Plus factor daw yun par magustuhan na siya ng press na dati ay turn off sa mga kaeklayan, kaartehan at kasinungalingan niya.
Pati mga kasama sa Blusang Itim, natutuwa sa kanya dahil masaya raw kahit naiinitan sa prosthetics sa kanyang mukha. Sinagot din nito ang Aljur Abrenica questions, pero ang tagal sagutin ang tanong kung nakatikim na siya ng “hotdog” ng actor.
Later on, inamin niyang sabay silang kumain ng ine-endorse na hotdog ng ka-MU at ka-exclusively dating na binata. Legal na nakakadalaw sa taping ng Blusang Itim si Aljur dahil maayos na nagpaalam kay Direk Jay Altarejos at sa EP na si Jojo Aleta.
Pinayagan na rin sila ni Robin Padilla na lumabas, three hours every day at walang pinagbabawal sa dalawa dahil malaki ang tiwala ni Robin sa magka-MU.
Kasama si Kylie sa cast ng Mr. Wong, entry ni Robin sa darating na Metro Manila Film Festival, at gusto nitong kunin din si Aljur.
Kaya lang, nasa Panday 2 ang young actor at kapareha si Kris Bernal, pero matatanggihan ba ng GMA Films si Robin? Concerned si Kylie sa rating ng Blusang Itim at ’pag mataas ang rating, may selebrasyon at mas natsa-challenge siya ’pag bumaba ang rating, kaya hindi siya puwedeng maging kampante.
Let us see, kung talagang puwedeng maasahan si Aljur.
Hehehe! Ang alam namin, malikot ito sa aparato, at balita sa Pampanga yung pagdating sa babae, di siya nakakapagkontrol.