NAGUGULAT ang mga magulang ni Alfred Vargas sa bawat desisyon niya sa buhay. Inakala ng mga magulang niya na magiging lawyer siya pero nang pasukin niya ang showbiz at macho dancer pa ang unang role, ikinawindang nila ito.
Tapos, inakala nila na magpapatuloy siya sa pag-aartista lalo na nga’t namayagpag din siya bilang artista. Pero nang pasukin niya ang pulitika, ang sumuporta na lang ang ibinigay nila sa anak.
Bata pa lang kasi siya ay officer na siya sa school. Naging class president din siya at naging active sa pagiging officer.
"So, it was only… Nang naging member ako ng Tanghalang Ateneo, nakalimutan ko na ang class officer. Nu’ng grade 4 ako, grade 7 si Bam Aquino. Biniboto ko na siya before as class president. Ganoon din nu’ng high school.
Idol ko talaga, eh.
"Tapos, nu’ng nag-theater ako, nag-concentrate na ako doon. Production manager ako. Nagpu-produce-produce na ako noon.
"So, ’yon ang hindi alam ng marami. Marami na akong pa-echos-echos! Hahaha!
"Akala kasi ng iba, macho dancer ako, hahaha!" kuwento ni Alfred nang makausap ng writers.
Sa pamilya, tanging si Alfred lang ang pumasok sa pulitika. Malaki ang fulfillment niya ang public service.
Isa sa achievements niya ay ang pagtatag ng Office of Persons with Disability sa Quezon City.
Ngayong eleksyon, congressman ng 5th district ng QC ang takbo niya under the Liberal Party.