Alessandra Da Rossi X-rated sexy actress

    655
    0
    SHARE
    Ipinapanood sa press ang trailer ng Romeo at Juliet na binigyan ng X-rating ng MTRCB, pero likod lang pala ni Alessandra de Rossi ang nakita.

    Nalungkot si Direk Adolf Alix Jr. sa desisyon ng MTRCB dahil gagastos na naman ang sabi nito’y small-time  producer, pero aayusin niya kung may dapat ayusin sa trailer para mailabas sa mga sinehan dahil showing na ang movie sa March 24 at kailangang aware ang tao na may ganitong pelikula.

    Idinaan naman sa biro ni Alex ang pagkaka-X ng trailer ng movie nila ni Victor Basa Jr. Hindi raw niya alam na malakas ang sex appeal ng likod niya. Paano raw kung nag-frontal pa siya.

    “Akala siguro nila harap, pero likod ko lang ’yun. ’Yung sinasabi nilang scene na hinampas niya ng whip ang kaeksenang lalaki, may mas grabe pang eksena sa movie ang pinapakita. Na-take three pa ‘yun dahil hindi umabot ang whip sa first two scenes. Inisip ko na lang na ka-X-X ang likod ko dahil sa X-rating ng MTRCB. ’Kaloka!” tili ni Alex.  

    Maraming eksena si Alex sa Romeo at Juliet  na naka-underwear lang siya at biro nito, bata pa siya, pinaghandaan na niya ang nasabing eksena. Produced ng Kisapmata Productions ni Jean Altavas ang movie at siya rin ang sumulat ng script.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here