Alagang Nanay, walang kapantay

    597
    0
    SHARE

    Kung katulad noon na wala pang limit
    Ang paghabol muli at/o ‘terms of office’
    Nitong mga halal nating opisyales,
    Si Gob mahahalal nang paulit-ulit

    At hanggang sa siya’y kusang magretiro
    Ay baka wala nang manganghas siguro
    Na sagupain siya (liban kay Panlilio?)
    Sapagkat wala nang maaring tumalo.

    Sa husay at galing ng pamamahala,
    Sipag at taglay na karisma sa kapwa;
    At dahil na rin sa matulunging lubha
    Sa nangangailan ng kanyang kalinga

    Partikular na sa ating ka-probinsya
    Na may problema sa kalusugan nila,
    Si ‘Nanay Baby’ ang takbuhan kumbaga
    Ng marami para maipagamot sila.

    Kung saan dagsa ang tao sa Capitol
    Mula sa umaga, at halos maghapon
    May makikita kang nakapila roon
    Para humingi ng pinansyal na tulong.

    (At kahit sa private hospital na-‘confined’
    Ang pasyente, tinutulungan ni ‘Nanay’;
    Di kagaya noong mga nakaraan,
    Na ni singkong duling wala kang mahingan

    Ng tulong sa tanggapan ng gobernador
    Kung di ka kilala (partikular noong
    Ang mag-amang Lapid ang ‘sitting governor’
    Na bihira mong makapa sa Capitol).

    Lahat na ng sektor ng pamahalaan
    Ay nabigyan na ng tulong na kailangan,
    At walang lumapit sa opis ni ‘Nanay’
    Na di inaksyunan ng kanyang tanggapan.

     Araw-araw halos ay di tumitigil
    Si ‘Nanay’ sa opisyal niyang gawain,
    Minsan mas maaga pa siyang dumarating
    Kaysa ibang kapwa niya opisyal din.

    At nalibot na niya ang buong Pampanga
    Para matingnan kung ano ang problema
    Na sukat ayusin at mabigyan niya 
    Ng ‘immediate action’ para sa lahat na.

    At para sa tinatawag na ‘livelihood’
    Ng iba na walang permanenteng kayod,
    Ay namigay ang ating mabait na Gob
    Nitong iba’t-ibang alagaing hayop

    May baboy, kalabaw, baka saka kambing
    At ng pinansyal na ‘assistance’ pa mandin
    Sa nagnanais na makapagtinda rin
    Ng pang-ulam at/o iba pang kakanin.

    Sa tuwirang sabi ay lubhang malingap
    Si ‘Nanay’ sa opisyal nitong pag-ganap
    Sa kanyang tungkulin, at kung saan lahat,
    Ay taos sa puso niyang hinaharap.

    At siya pa lamang sa lahat ng naging
    Gobernador yata sa probinsya natin
    Ang ika nga’y bukod tanging masasabing
    Pinaka-aktibo sa kanyang tungkulin.

    At tunay naman ding maasahang tunay
    Ng lahat sa kanyang gawaing opisyal,
    Kasi bumabangon ng madaling araw
    At gising anumang oras kung kailangan.

    At talaga namang ang ‘Alagang Nanay’
    Ay tunay naman ding walang makapantay
    Pagdating sa ika nga’y serbisyong tunay
    Ang kay Gob Pineda mai-aagapay!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here